Kabanata 62

194 10 0
                                    

Sabrina

          Napasimangot na lamang ako nang magpatuloy sa pagtakbo si Hans palayo. Sa kabila ko binato 'yung bola, sa ibang daan siya nagpunta. Mana siya minsan kay Devon, baliktad ang utak.

          Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang maglakad patungo sa daan na pinuntahan ng alaga ko. Hindi ko nais makipaglaro sa kaniya dahil maaaring malaman ni Devon ang pagtakas ko pero masyado na kong naiinip. Nasa kabilang bahagi ng palasyo ang silid-aklatan at tinatamad akong pumunta.

          Kanina pa naganap ang paghaharap nila Noah at prinsipe Yuki. Hindi ko alam kung saan nagtungo ang dalawa dahil tinatamad akong sundan ang kahit sino sa kanila.

          Napahinto ako paglalakad at nagtatakang tinignan si Hans na ngayon ay nakaupo sa harap ng isang puno habang nakatingala. Walang ingay na lumapit ako at tinignan ang puno. Maraming dahon dahilan upang hindi makita ang kung ano mang nasa itaas. Masyadong malusog ang puno... a-ang.. ang sarap akyatin.

          Muli kong tinignan si Hans pero nakatingin lang siya sa itaas ng puno. Wala namang nasa puno ngunit bakit siya ganyan... teka...

          Napatingin ako muli sa puno at pinaningkit ang mga mata. Wala akong nakikitang kahit ano o sino ngunit... nararamdaman ko. Mayroong nilalang sa likod ng mga dahon. Agad kong hinatak ang purselas ko. Nagliwanag ito at nagbago ng anyo biglang pana. Mabilis kong itinaas ang aking kamay. Hindi ko na kailangan ng palaso dahil sa pagkakataong hilain ko ang tali, isang nagliliwanag na palaso ang lumitaw---

          A-anong...

          "N-noah?"

          "Aray ko..."

          Napabitaw ako sa hawak na pana at nanlalaki ang mata na nakatingin kay Noah na ngayon ay nakahiga sa lupa habang namimilipit. Ang kamay niya'y hawak ang palaso na siyang itinira ko kanina.

          "Ohmy! A-anong nangyari sa'yo?!" nag-aalalang saad ko at sinubukang lapitan siya ngunit napatigil ako dahil naunahan ako ni Hans. Kasalukuyan na siyang iniikutan ni Hans habang wumawagayway ang tatlong buntot.

          "Sa tingin mo? A-ang sakit ah," sagot niya pagkatapos ay hinagis palayo ang hawak na palaso at dahan-dahang umupo.

          "Ano ba kasing ginagawa mo sa puno? Nagtatago ka ba o nanghuhuli ng antik?" tanong ko at muli na sanang lalapit ngunit sinamaan niya ko bigla ng tingin. "B-ba't gan'yan ka makatingin? Galit ka?"

          "Tahimik po akong namamahinga nang bigla na lamang may kung sinong namana sa'kin. Galit ako? Sa palagay mo?"

          Teka.. iba ang tono ng pananalita niya ah at ibig sabihin... siya 'yung tinitignan ni Hans kanina sa puno. Siya 'yung nagtatago sa likod ng mga dahon.

          Napangiwi na lang ako. "P-pasensya na.. si Hans 'yun! Biglang pumunta rito tapos nakatingin lang sa puno, a-akala ko halimaw eh."

          Napailing na lamang siya bago tumayo. Pinagpag niya muna ang kaniyang damit pagkatapos ay sinundan ng tingin si Hans na patuloy pa rin siyang iniikutan. Napatigil ako nang bigla siyang ngumiti at inabot ang ulo ni Hans upang himasin ito.

          Ngumiti siya...

          "Ayos ka lang ba?" wala sa sariling tanong ko.

          "Ayos lang ako," sagot niya pagkatapos ay umupo upang makaharap si Hans. Nakaupo lang sa harap niya ang alaga ko na halatang sarap na sarap sa paghimas sa kaniyang balat ni Noah.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now