Kabanata 30

332 16 1
                                    

Shizuka


          "Nasaan si Noah?"

          Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko si prinsipe Timothy na seryosong nakatingin sakin. Nalipat ang tingin ko sa kaniyang likuran. Magkatabi sa iisang kama si Honoka at Hikari samantalang tig-isang kama naman sina Daisuke at prinsipe Sheun. Napalilibutan ng mga lambana ang ulo ni prinsipe Sheun dahil ginagamot nila ang sugat nito.

          "Nasaan si prinsipe Noah, Shizuka?" Muli kong tinignan si prinsipe Timothy. Tumabi sa kaniya ang kapatid na si prinsesa Natalie na nag-aalalang nakatingin sakin.

          "Sa gubat."

          Sinungaling.

          Naningkit ang mga mata ni prinsipe Timothy at humalukipkip. "Anong nangyari sa gubat?"

          Marami.

          "Natatakot ang mga Saikushin dahil sa kakaibang nangyayari sa gubat. Hindi naman namin masabi na kayo ang dahilan dahil nga itinago namin ang pagpaparito niyo."

          Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin. Kapag sinabi ko ang totoo ay mas lalo lang silang maguguluhan at.. maaring madagdagan ang takot ng mga Saikushin.

          "Shizuka, nag-aalala na kami. Sinabi niyo na hahanapin niyo lamang sila tiya Megumi ngunit tignan mo, sugatan ang mga kaibigan mo, wala pa rito si prinsipe Noah at... kitang kita ang galit sa mukha mo." Natigilan ako dahil sa sinabi ni prinsesa Natalie. Naikuyom ko ang kamao ko at tinalikuran sila.

          Wala rito sa Noah... dahil nasa kamay siya ng mga lamia ngayon.

          "Shizuka! Huwag mo kaming talikuran!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni prinsipe Timothy.

          Kailangan kong makuha si Noah. Babawiin ko siya. Hindi ako mapalagay lalo na't wala siya sa sarili nang kunin siya ni Berlano. Paano kung may mangyaring masama kay Noah? Bigla nalang siyang manakit ng mga lamia roon?

          Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humarang sa akin. Tinignan ko si Haruna na masama ang pagkakatingin sakin. Nagulat ako nang biglang umamo ang mukha niya at hinawakan ang balikat ko.

          "Ayos ka lang ba?"

          Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. B-bakit biglang bait ang babaeng to sa akin?

          "Naihanda na ang silid kung saan ka magpapahinga----" Hindi natapos ni Haruna ang sasabihin niya dahil bigla ko nalang siyang nilagpasan at nagpatuloy na ko sa paglalakad.

          Hindi ko nga sabi kailangan ng pahinga! Ang kailangan ko ay si Noah!

          "Binibining Shizuka."

          Hindi ko pinansin ang isang babaeng Saikushin nang tawagin niya ko. Sa pananamit palang nung babae ay mahahalata ng isa siyang ina at ordinaryong mamamayan ng kaharian. Nilagpasan ko lang siya pero sinundan niya ko.

          "Pinapatawag po kayo ni Ginang Megumi."

          Napatigil ako sa paglalakad. Mabilis kong hinarap ang babae. "Nasaan siya?!"

          Kailangan kong makausap si Tiya Megumi. Bigla nalang siyang naglaho kanina nang sagutin niya ang tanong ko. Kailangan ko siyang makita. Ang daming tanong sa isip ko at alam kong masasagot niya ang mga iyun... lalo pa't siya ang ikatlong nilalang na hinahanap namin.

          "Sa bayan ng Saikushin. Naroon po siya sa aming tahanan."

          Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Gumuhit ang takot sa mukha niya. "Sino ka?"

Nirvana IIWhere stories live. Discover now