Kabanata 76

133 9 1
                                    

Third Person

          Walang emosyong sinalubong ni Sabrina ang tingin ni Gina. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan niya ang braso ni Gina na siyang nakahawak sa kaniyang leeg. Ang kanang kamay ng dalaga ay mahinang nagliwanag at biglang pinalibutan ng kaniyang kakaibang usok.

          Napatitig si Gina sa braso niyang hawak ni Sabrina. Unti-unti siyang nakaramdam ng init dahil sa higpit ng pagkakahawak doon ng dalaga. Unti-unti ring nanghihina ang kamay niya at lumuluwag ang pagkakahawak sa leeg ng kaharap.

          "Ayoko pa."

          Sa mabilis na galaw ni Sabrina ay naitulak niya palayo si Gina at tumama ang kaniyang paa sa tiyan ng babae. Tumalsik palayo si Gina dahil sa lakas ng pagkakasipa at sa kasama nitong pwersa. Hindi na nagdalawang isip pa si Sabrina at muling sumugod.

          "Ang sabi ko..." sambit ni Gina at mabilis na umikot. Tumama sa mukha ni Sabrina ang sipa niya dahilan upang tumalsik ang dalaga. Pero habang nasa ere ay agad siyang umikot dahilan upang nakaupo siyang bumagsak. Tumayo siya at tatakbo na sana upang muling sumugod nang bigla siyang palibutan ng puting usok... at sa hindi malamang dahilan ay hindi siya makagalaw at makaalis sa kaniyang pwesto.

          "... tama na."

          Sinubukang maglabas ni Sabrina ng kapangyarihan ngunit nabigo siya. Nilingon niya si Gina pero napatigil siya nang makita ang mga mata nito. Purong puti.

          "Sabrina. Hindi ba?"

          Hindi sumagot si Sabrina at sinamaan lamang ng tingin si Gina.

          "Anong layunin mo?" tanong ni Gina. Naghintay siya ng sagot pero nanatiling tikom si Sabrina. "Sabihin mo sa'kin kung bakit mo ginagawa ang mga ito. Hindi ka napipilitan. Hindi ka kontrolado nino man. Kusa kang lumalaban. Bakit, binibini?"

          "Anong pakialam mo?" inis na tanong ni Sabrina. "At sino ka ba?"

          "Gina."

          "Sino ka sa Nirvana?"

          "Tagapangalaga."

          Naningkit ang mga mata ni Sabrina. Tagapangalaga?

          "Tagapangalaga ako ng mga elemento ng Nirvana at ng mga sekreto nito. Hindi ng mga shin. Kaya labas ako sa hindi niyo pagkakaintindihan---"

          "Labas ka naman pala, eh." Napatigil si Gina sa biglang pagsingit ni Sabrina. "Bakit nandito ka?"

          "Hindi ko gusto ang ginagawa mo. At kapag hinayaan kitang gawin ang gusto mo ay masisira ang mga iniingatan ko."

          Hindi sumagot si Sabrina at muling sinubukang maglabas ng kapangyarihan pero bigo pa rin. Nalipat ang tingin niya kay reyna Sakura na huminto sa tabi ni Gina. Wala ng mababakas na galos sa reyna at maayos na ang lagay niya. Na tila ba walang nangyari sa kaniya.

          "Pwede na siguro tayong mag-usap?"

          Nanatiling tikom si Sabrina.

          "Yah, Sabrina," pagtawag ni reyna Sakura at sandaling nilibot ang paningin sa magulo at sirang bayan. "Alam kong makapangyarihan ka pero hindi ko inaasahan na magagawa mo kong sabayan. Kahapon mo lamang nalaman ang kapangyarihan mo pero---"

          "Bakit alam mo?"

          Napatigil si Sakura at nilingon ang ngayon ay gulat na si Sabrina. Ngumiti siya. "Pinuno ako ng Nirvana, binibini. Alam ko lahat." Nawala ang ngiti ni Sakura. "Ang isang nilalang kahit na gaano kalakas ay hindi ito magagawang magamit nang walang sapat na paghahanda at pag-alam. Pero ikaw, nagawa mo. Isa lang ang ibig sabihin nito---"

Nirvana IIWhere stories live. Discover now