Kabanata 12

422 12 0
                                    

Shizuka

          Lahat gagawin ng isang nilalang para sa isang bagay na matagal na niyang inaasam. Paglabas ng katotohanan. Pagkawala ng kasinungalingan. Pag-alam sa tunay na katauhan. Paglutas sa matagal ng suliranin. Pag-gawa ng tamang tungkulin. Pagtagumpay sa matagal ng tunguhin. Masarap mamuhay sa katotohanan. Masakit mamuhay sa kasinungalingan. Ngunit sa mundo na ito, lahat ng bagay na yun ay kabaligtaran.

          Sanay na kong mamuhay na iba sa kasanayan ko. Pilit kong inilulugar ang sarili ko sa mundo na ito. Pilit kong iniintindi ang mga bagay na tunay at totoo. Sa mundo na puno ng kakaibang nilalang. Sa mundo na lahat ay posible na lamang.  Sa mundong puno ng sekreto. Sa mundong itinatago ang totoo. Ang mundong tahanan ko na ngayon.

          Aalamin ko ang lahat. Aalamin ko ang mali at dapat.

          Aalamin ko ang itinatagong problema ng Nirvana.

          Aalamin ko.. kahit na alam kong masasaktan lang ako. Kahit na alam kong mahirap tanggapin at paniwalaan ito.

          Hindi ko man aalamin ang tunay kong katauhan... aalamin ko naman ang mundo na aking ginagalawan.

          "Tulala ka nanaman."

          Napakurap kurap ako at napalingon kay Noah.

          "Malalim na nanaman ang iniisip mo."

          Napangiwi ako. Malalim nga talaga ang iniisip ko. Sa sobrang lalim... pakiramdam ko'y hindi ko makakayang abutin.

          Napa-atras ako ng kaunti ng bigla siyang lumapit at yumuko.

          "Ako ba ang iniisip mo?---"

          "Asa!"

          Natawa siya ng mahina dahil sa sagot ko at lumayo ng kaunti. Umayos ako ng tayo---teka... nakasakay ako kanina sa Horagel. Bakit nasa lupa na ako ngayon?

          Nilibot ko ang paningin ko at agad na hinanap ang mga Horagel. Nakatayo sila malapit lang at tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Nandito kami ngayon sa gubat na siyang nagsisilbing harang sa bayan ng Zenshin at bayan ng mga halimaw. Ang gubat na nagsisilbing pasukan patungo sa lugar ng mga kakaibang nilalang.

          Lumapag na pala kami ng hindi ko napapansin.

          "Nagtataka ka kung bakit hindi ka na nakasakay sa Horagel?" Napatingin ako kay Noah. "Sa sobrang tulala mo po kasi at sa lalim po ng iniisip niyo po hindi nyo na po napansin na ibinuhat ko na po kayo pababa."

          Hindi ko gusto ang paraan niya ng pagsasalita.

          "Pakiramdam ko talaga ako ang iniisip mo eh." aniya.

          Teka... ano?

          "At ano namang pumasok sa isip mo na ikaw ang iniisip ko?"

          Ngiting ngiti na lumingon siya.

          Ayoko ng ngiti niya. Ngiting aso.

          "Tulala ka at sa akin nakatingin."

          And so?

          "Hindi ba pwedeng sumakto lang na ikaw ang kaharap ko?" tanong ko.

          "Pero sinusundan mo ng tingin ang bawat galaw ko. Pagkakataon lang ba yun?"

          Sinusundan... ko?

          Napaiwas ako bigla ng tingin... W-well... isa nga siya sa mga iniisip ko.

          Palaisipan pa rin kasi talaga sakin ang tunay na pinag-usapan nila ni binibining Sunako. Pakiramdam ko kasi ay hindi lamang tungkol sa nagtaksil na prinsesa at tungkol sa halimaw na lumalabas sa umaga ang pinag-usapan nila.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon