Kabanata 86

131 8 0
                                    

Third Person

          Lahat ay tahimik. Lahat ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Gina. Kapangyarihan ni Shizuka? Paano? Hindi ba ang kapangyarihan ni Shizuka ay siya mismo? Hindi nila maintindihan. Wala silang maintindihan.

          Nakatayo lamang sa gitna si Noah at Gina. Nagpapalitan ng tingin.

          'Yun lang ba talaga ang paraan? Ang makumbinsi nito?

          "T-teka Gina---" Napatigil si Hikari nang magsimulang maglakad si Noah. Mababakas ang pagkalito sa mukha ng binata pero tila pursigido na ito. Huminto siya sa harap ni Shizuka.

          "Shizuka," mahina lamang ang pagtawag ni Noah pero punong puno ito ng emosyon. Yumuko siya at hinawakan ang batong kamay ng dalaga. "Hindi ba't may papatunayan pa tayo sa Nirvana? H-hoy. Tanda mo 'yung sinabi mo sa'kin nang bumalik ang ala-ala mo. Tama, lagi kang bumabalik sa'kin. Kaya naman... kaya naman... dumilat ka na. Bumalik ka na."

          Naghintay sila ng ilang minuto pero... walang nangyari. Napa-ayos ng tayo si Noah at lumingon.

          "Kulang pa," sambit ni Gina.

          "Sigurado ka ba rito, Gina?" tanong ni Noah. "At saka.. paanong kumbinsi ba ang dapat kong gawin? Paano ko magagawang kumbinsihin ang kapangyarihan niya? Maririnig ba ko nito?"

          "Hindi ko alam."

          Napatigil si Noah.

          Huh?

          "Dyiu Mizu." Nalipat ang tingin nilang lahat kay Daisuke. "Dyiu Mizu ang nagpagaling noon kay Shizuka. Ang inumin ang nagbalik sa kaniya."

          T-teka...

          "Babalik ako."

          "Gina!"

          Huli na... dahil tuluyan ng naglaho si Gina.

          Inis na nasabunutan ni Noah ang buhok. Ano ba talagang dapat nilang gawin? At saan pupunta si Gina? Kukuha ba siya ng Dyiu Mizu sa Timberland?

          "Shindae."

          Marahil dahil sa labis na pagkalito ay hindi na napansin ng grupo ang mga paparating na kaibigan. Agad na ibinaba ni Noah ang kamay.

          "Prinsipe Aryan? T-teka.. anong ginagawa niyo rito?" tanong ni prinsipe Sheun.

          "Umalis ang reyna Sakura at nagtungo sa palasyo ng sorcerer kaya naman hindi natuloy ang pagpupulong. Pinagtataka namin kung bakit wala si Shizuka at Noah kanina dahil--- Anong nangyari?" Napatigil ang prinsipe at gulat na tinignan ang bagay sa likod ni Noah.

          "T-teka teka teka... si Shizuka ba 'yan?" gulat na tanong ni Layla habang nakaturo pa.

          Napabuntong hininga na lamang si Noah at naglakad palapit sa mga kaibigan.

          "Anong nangyari?" tanong ni prinsipe Makki. "At isa pa.. ang usap-usapan? Na kinalaban ni Shizuka ang pinuno at ang dalaga mismo ang dahilan ng pagkahulog ng mga palasyo----"

          "Makki." Napatigil ang prinsipe at nilingon ang kapatid na si Kiera. "Hindi ba't sinabi ng reyna na siya na mismo ang magpapaliwanag?"

          "Pero wala siya rito at nasa harap naman natin ang Shindae----"

          "Maghintay ka."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now