Kabanata 25

377 17 0
                                    

THIRD PERSON

          "Hindi! Hindi maari! Nababaliw na siya!" malakas na sigaw ni Regina matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Leo.

          "Ako rin ay hindi makapaniwala Regina p-pero..." Napatigil sa pagsasalita si Leo dahil sa takot. Natatakot siya kay Regina. Alam niya kung gaano kabait ang babae ngunit pagdating sa kaligtasan ng anak ay lumalabas ang sungay nito. Nakakatakot. Nakakatakot galitin ang isang Regina.

          Napatigil sa pagsigaw si Regina at nanghihinang napaupo. Kitang kita ni Leo kung gaano kadiin ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Regina.

          "Pasensya na kung natakot kita." mahinang saad ni Regina.

          "Regina." pagtawag ni Leo. Hindi siya nilingon ng babae ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kung kailangan mo ng tulong ay maaasahan mo ko. Anong plano mo Regina?"

          "Magpapakita ako." may diin na sagot ni Regina.

          "T-teka... Regina! Hindi siya ang nababaliw kundi ikaw! Ikaw na! Seryoso ka ba?! Mas gugulo ang lahat!" sigaw ni Leo.

          "Gumulo na simula ng magbago siya!"

          "Hindi naman natin alam na magbabago ang plano niya!"

          "Hindi iyun ang ibig kong sabihin." Natigilan si Leo nang mapansin ang pamumula ng mata ni Regina, pinipigilan niya ang kaniyang luha. "Nagbago siya. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap!"

          Napayuko nalang si Leo. Kahit siya.... hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon. Sa tuwing bumabalik sa kaniyang alaala ang lahat ng masasayang araw na maayos pa ang lahat... galit ang nararamdaman niya.

          "Tanggapin mo na lang Regina."

          "Matanggap ko man o hindi ay walang mababago." saad ni Regina at nakangiting hinarap si Leo. "Hindi mawawala ang matinding galit ko sa kaniya."

          "Regina." Naibulong na lamang ni Leo habang nakatingin sa ngiti ni Regina.

          "Aayusin ko lahat. Magpapakita ako sa kaniya. Haharapin ko siya...

          ...

          At sasabihin ang lahat ng katotohanan. Dahil Leo, hindi lahat ng bagay ay dapat pagplanuhan, at hindi lahat ng plano ay nagtatagumpay."

SHIZUKA

          Mabilis kong inilibot ang paningin ko. Nandito ako ngayon sa loob ko, sa loob ko na siyang tirahan ni Jewel.

          T-teka.... akala ko ba ay hindi magpapakita si Jewel sakin sa loob ng dalawang buwan? Pero.. sigurado akong hindi pa lumalagpas ang dalawang buwan na palugit niya. Kung gayon... anong ginagawa ko rito?

          Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala ang imahe ni Satana habang nakangiti. Ramdam ko ang unti-unting galit na dumadaloy sakin. Naikuyom ko ang kamao ko. Bakit parang masyadong mabilis ang lahat? Kakakita ko pa lamang kay Chloe na ina ni Hikari, pagkatapos ay nakaharap at natalo naman ako kay Satana na kapatid ng Reyna ng Fudoshin. Jewel... g-gusto kong sagutin mo lahat ng tanong ko.

          "Shizuka."

          Mabilis akong lumingon ngunit.... hindi si Jewel ang nakita ko. Kundi ako mismo--- hindi mali! Nag-aanyo si Jewel bilang ako.

          "Can you please come back to your own self? As white smoke?" Napakunot ang noo ni Jewel dahil sa sinabi ko ngunit agad niya rin akong sinunod.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now