Kabanata 65

228 8 4
                                    

Sabrina

          Kagat kagat ang prutas na nilingon ko si Arlo. Nakasimangot siya habang nakahalukipkip at nakatingin kila Devon. Nakatayo lang kaming dalawa rito sa gilid samantalang sila Devon naman ay nasa gitna, nagpupulong. Pabilog ang may kalakihang mesa at napalilibutan ng mga sorcerer at lamia. Sa gitna ay si Devon at Kalmira na halatang nangunguna sa pagpupulong. May kalayuan sila kaya hindi namin marinig ang kanilang pinag-uusapan, may kalakihan din kasi ang silid. Dapat ay naroon din si Arlo kasama sa pagpupulong pero inutusan siya ni Devon na samahan ako rito kaya nakabusangot ang kupal.

          May mga upuan naman sa gilid pero mas pinili kong tumayo at sumandal sa pader. Pang-asar na rin kay Arlo dahil mukhang gustong gusto niyang umupo pero di magawa dahil kailangan nasa tabi ko siya.

          Napatigil ako nang mapansing buto na ang kinakagat ko. Agad kong niluwa ang prutas pagkatapos ay kinalabit si Arlo.

          Napalingon siya. "Oh?"

          "Patapon."

          Muntik na kong napangisi nang bumakas ang inis sa mukha niya.

          "Hindi ako utusan."

          "Ohhh." Ganun ba? "Devon!----"

          "Akin na nga!"

          Hindi ko na napigilan at natawa na lang ako nang mahina. Takot na takot talaga siya kay Devon. Nakangising inabot ko sa kaniya ang buto ng prutas pero ambis na kunin ay tinapat niya rito ang hawak na mukhang piraso ng sanga at may binulong. Halos kuminang ang mata ko nang palibutan ng kakaibang kulay berdeng liwanag ang buto ng prutas at lumutang ito. Sa mabilis na pangyayari ay nagtungo ang prutas sa basurahang may kalayuan.

          T-teka... ano 'yun? Iyun ba ang kakayahan ng mga sorcerer?

          "Anong reaksyon 'yan?"

          Napalingon ako kay Arlo at nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

          "'Y-yung kanina..." Lumutang 'yung prutas tapos... "Iyun ba ang kakayahan niyo?"

          "Oo, tapos?"

          Napasinghap ako. "Astig."

          "Walang astig dun."

          Napakunot ang noo ko. "Huh?"

          Napaiwas siya ng tingin. "Wala."

          Hindi ko na lang pinansin ang sagot niya pagkatapos ay nalipat ang tingin sa hawak niyang maliit na piraso ng kahoy. T-teka... "Ano 'yan?"

          Napalingon siya sa'kin. "Ang alin?"

          "'Yang hawak mo."

          "Zauberstab."

          Zawber? Huh?

          Tinaas niya 'yung maliit na piraso ng kahoy at itinapat sa mukha ko. "Dito nagmumula ang aming kakayahan. Kinakailangan lang naming magbigkas ng ilang salita at tutuparin nito."

          Wow...

          Binalak kong kunin 'yung Zauberstab ngunit agad niyang nilayo.

          Napasimangot ako. "Patingin lang."

          "Hindi pwede."

          "Damot."

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon