Kabanata 84

137 11 0
                                    

Third Person

          Hindi maiwasang mapatitig ni Hikari sa ulap. Puting puti ito at napakarami. Nalipat ang tingin niya sa mga kawal na dumaan sa gilid niya. Sinundan niya ito ng tingin. Ang mga kawal ay mabilis ngunit maingat ang bawat paggalaw habang buhat ang ilang kasamahang pumanaw. Di kalayuan ay maraming shin ang nakahiga at nababalutan ng malinis at puting kumot. Sa paligid ng mga namayapang shin ay ang mga kamag-anak nito na nagluluksa at ilang kawal na nakatindig at nakasaludo. Ilang metro ang layo ng mga naiwang kamag-anak sapagkat hindi pa maaaring lapitan ang mga ito hangga't hindi pa naililinya ang lahat ng bangkay. Di kalayuan naman ay mga kawal na binubuhat ang ilang naglalakihang bato at inilalagay sa bandang gilid. Hindi rin magkawari sa pagkilos ang mga taga-silbi. Buong araw na silang naglilinis pero kung titignan ay tila wala pa ring nagbabago sa itsura ng paligid. Katulong nila ang ilang nagboluntaryong mamamayan ng Fudoshin. Kung titignan ay marami na ang kumikilos pero ito ay kalahati lamang sa tunay na bilang. Ang iba kasi ay nasa bayan ng Fudoshin at doon nagtatrabaho.

          "Hikari."

          Napalingon si Hikari at bumungad ang nag-aalalang si Daisuke.

          "Kanina ka pa tulala, ayos ka lang ba?"

          Ngumiti nang pilit ang dalaga at umiling. Saglit niyang sinulyapan ang paligid bago naglakad palapit sa binata.

          "Balita?"

          Napahinga nang malalim si Daisuke at inis na ginulo ang buhok. "Wala pa rin."

          Napapikit sandali si Hikari pagkatapos ay naunang maglakad papasok sa palasyo. "Sila prinsipe Sheun at Honoka?"

          "Kausap ang mga shin na pinadala ng kahariang Saikushin."

          "Si Noah?"

          "Nag-aalala na ko sa kaniya."

          Napayuko na lamang si Hikari.

          "Hindi pa rin siya umaalis sa tabi ni Shizuka. Wala ring bawas ang pagkaing inihanda para sa kaniya. Tingin ko nga'y hindi pa siya natutulog simula ng makabalik tayo."

          Isang linggo na simula ng maganap ang sinasabing ikalawang digmaan. Nasa ilalim pa rin ng kalupaan ang lahat ng kaharian. Nasabihan na rin sila sa panganib ng kalupaan kaya hindi mabilang ang mga shin na nagbabantay sa himpapawid. May iilang nakalilipad na halimaw ang sumusugod na sa kabutihang palad ay natatapos agad ng mga kawal.

          Isang linggo na at halos lahat ay wala pa ring pahinga sa pag-aayos ng palasyo at bayan. Nagpahirap pa sapagkat walang natatanggap na tulong sa ibang kaharian sapagkat sila rin mismo ay nahihirapang ayusin ang sariling bayan. Halos lahat ng mamamayang Fudoshin ay naglalagi sa palasyo. Sobrang gulo kasi ng bayan at halos hindi na makilala. Sa tingin nga nila ay aabutin ng buwan bago ito tuluyang maayos. Idagdag pa na biyak ang mga lupa at sunog pa ang ibang parte ng bayan.

          Isang linggo na't hanggang ngayon ay patuloy ang pagdating ng mga kawal na Fudoshin habang may kasamang mga taksil. Ang mga nanatiling buhay na kalaban kasi ay hindi magawang makaalis sa bayan ng Fudoshin at kasalukuyang nagtatago. Halos puno na ang silid kulungan sa likod ng palasyo kaya kinakailangan nilang gumawa ng temporaryong kulungan.

          Isang linggo na at hindi pa muli nila nakahaharap ang grupong Naoshin at si reyna Sakura. Hindi nila alam kung saan ito nagtungo dahil maski ang tatlong alaga ay hindi mahagilap. Hinayaan na lamang ito ng Shindae dahil sigurado silang tumutulong ang mga ito sa ibang kaharian. Sinubukan din nilang hanapin si Gina sa silid-aklatan ngunit bigo.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now