Kabanata 71

189 8 0
                                    

Sabrina

          Napatigil ako at agad na napalingon.

          "Sa tingin mo ba ay hindi namin alam na lagi kayong magkasama?" saad ni Satana.

          P-paanong...

          "At sigurado akong siya rin ang dahilan kung bakit bigla mong ninais na malaman ang kapangyarihan mo."

          Pakiramdam ko'y nanigas ako sa pwesto ko.

          "Hindi ba nakapagtataka? Na may shin na mas inunang malaman ang magagawa niya kaysa sa katauhan niya."

          Sandali lang...

          "Alam ko lahat, bata."

          Unti-unti kong naikuyom ang kamao ko.

          "Kung gusto mo pang makasama si Noah ay susunod ka sa'kin."

          Hindi ito ang plano ko.

          "At huwag mong isiping suwayin ako dahil lang sa may kapangyarihan ka na. Tandaan mo, ako ang naglabas niyan." Muli siyang ngumiti. "Kaya ko ring wasakin 'yan."

          Napayuko ako.

          "Matapos mong gawin ang utos ko ay palalayain ko si Noah at hahayaan kitang gawin ang gusto mo. Wala na kong pakialam sa'yo."

          "Hindi mo man lang ba tatanungin kung kamusta ako?" saad ko at nag-angat ng tingin. "Kung may masakit ba sa'kin at kung maayos lang ba ang tulog ko?"

          Satana.

          Bigla siyang natawa nang mahina. "Kamusta? Bakit nagising ka pa?"

          Nakakainis ka.

          Hindi ako sumagot at nakipagtitigan lang sa kaniya.

          Hawak niya si Noah. Gagamitin niya si Noah upang mapasunod ako. Nakakainis! Alam kong impossibleng hindi nila alam na nakikipagkita ako kay Noah pero... pero... hindi ko alam na aabot sa ganito. At kaya pala... kaya pala umpisa pa lang ay nais na ni Satana na tulungan ako. Kaya pala ang bait niya sa'kin noon, dahil may nais siya. May kailangan siya.

          Pinalabas ko ang kapangyarihan ko upang gamitin laban sa kanila, hindi upang gamitin para tulungan sila.

          Hinding hindi ako susunod kay Satana at kahit na kanino. Pag-aari ko ang buhay ko at ako lang ang pwedeng komontrol nito. Hindi ko hahayaang kontrolin nila ako, hindi... pero... pero...

          "Baka saktan ka pa nila oras na malaman nilang tinutulungan mo ko. Ayokong masaktan ka dahil sa'kin."

          "Pinitas ko 'yan para sa'yo. Ang ganda mong tignan."

          "Lumaban ka Sabrina! Nandito lang ako, maghihintay sa pagbabalik mo."

          Pero kasi...

          "Sabrina, mag-iingat ka! Hihintayin kita!"

          Damn!

          "Satana."

          "Hmmm?"

          "Anong magagawa ng kapangyarihan ko?"

          "Lahat."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now