Kabanata 7

372 17 0
                                    

Shizuka

          Naramdaman ko ang dahan dahan kong paglubog sa tubig. Pilit kong iniaangat ang sarili ko pero may pumipigil sakin. Yumuko ako.... at nakita ko ang kakaibang halimaw na kasalukuyang kagat kagat ang ibabang bahagi ng damit ko at hinihila ako pailalim.

          Hinila ko ang damit ko pero mas humigpit ang pagkakagat niya dito. Unti unti na kong nawawalan ng hangin at lumulubog na rin ako.

          Inangat ko ang kamay ko. Unti unti na akong kinakain ng dilim.

          Ang kabang nararamdaman ko ay mas tumindi ng makita ang ilan niya pang kauri na lumalangoy palapit sakin.

          Napapikit ako. Mawawalan na sana akong pag-asa ng may kung sinong humawak sa nakataas kong kamay.

          Sa pagdilat ko ay nakita ko si Noah sa nasa harapan ko. Lumangoy siya paibaba at gamit ang kaniyang espada ay pinunit niya ang ibabang bahagi ng suot ko.

          Kumapit ako sa kaniya at sabay kaming lumangoy paitaas. Hinabol ko agad ang hininga ko.

          "Ayos ka lang?"

          Maluha-luhang umiling ako. Kahit na basa ako ay napansin niya ang pagtulo ng luha ko kaya agad nya itong pinunasan.

          Muntik na kong mapasigaw ng maramdaman ang unti unti naming pag-angat. Pag-yuko ko... nakita ko ang halimaw na dahan dahan kaming inaangat mula sa tubig. Nakapatong kami sa kaniya.

          "No....ah..."

          Kakapit na sana ako kay Noah ngunit huli na dahil.... mataas na tumalon ang halimaw at dahil nasa ibabaw kami ay nasama kami at tumalsik. Habang nasa ere ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumama sakin dahilan para tumalsik ako paitaas.

          Isang malakas na tili ang binitawan ko ng makita ko ang sarili kong pabagsak sa lupa. Napapikit ako at inisip na sana'y lumutang ako....

          Napadilat ako ng makarinig ako ng isang malakas na tunog na nagmumula sa tubig. Sa pagdilat ko ay nakita ko si Noah na bumagsak sa tubig.... dahan dahan akong yumuko ako at...

          "Ahhhh!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ko bago ako tuluyang bumagsak sa lupa.

          Paanong.... paano ako lumutang kanina?

          "Shizuka!"

          Mabilis akong tumayo at napalingon kay Noah. Lumalangoy siya patungo sakin habang nakasunod ang mga halimaw.

          No no... hindi pwede...

          Nakanganga ang ibang halimaw at mahahalatang handa na silang kagatin ang prinsipe.

          Anong gagawin ko?! Paano ko tutulungan si Noah?!

          Agad akong lumapit kay Noah. Lumusong ako sa tubig para makalapit sa kaniya. Inangat ko ang kamay.

          "Konti nalang Noah." mahinang saad ko.

          Kinagat ko ang labi ko ng makitang dumarami na sila. Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala si Jewel.

          Humiling lamang ako.

          Nanatili akong nakatingin kay Noah. "Stop those sea monsters and let Noah escape." mahinang bulong ko.

          Pagkatapos na pagkatapos kong banggitin ang mga salitang ibinulong ko. Bigla na lamang huminto ang mga halimaw. Ang iba ay nakalutang at iba naman ay nasa ilalim ng tubig.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now