Kabanata 38

316 16 1
                                    

Shizuka

          Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatitig sa payapang langit. Nakasakay ang Shindae sa tig-iisang Hippogriff habang katabi ang lumilipad na sila prinsesa Natsuki at prinsipe Yuki.

          Hindi pa ko handa na humarap sa isang labanan at alam ko sa sarili ko na nanghihina ako ngayon. Pero susubukan ko, susubukan kong talunin sila para sa mamamayan ng kahariang Haikushin.

          Katabi ko ang kanina pang tahimik na si Hikari. Nangunguna naman sa paglipad si Honoka. Habang nasa likod naman namin sila Noah. Mabuti na rin na hindi ko siya makita, dahil baka mas manghina ako.

         Napayuko ako at tinignan ang malawak sa gubat. Napakaganda talaga, walang makikita na kahit ano maliban sa malulusog na puno. Walang makikitang mali o kakaiba. Ang galing ni Honoka, naitago niya sa magaganda at malulusog na puno ang mga punong namatay dahil sa Lekomas.

          Nagtaka kaming lahat nang biglang lumihis si prinsipe Yuki. Tuloy tuloy siyang lumipad paibaba. Nakakunot noong sumunod naman sa kaniya si Honoka. Sumunod na rin kami hanggang sa makarating kami sa gubat na malayo ng kaunti sa mga tahanan ng Haikushin. Bumaba si prinsipe Yuki kaya sumunod kami.

         Hindi ko na napigilang mapanganga. Napakaganda ng lawa na siyang nasa harapan namin. Sobrang linaw at kitang kita namin ang ilalim nito, puro malilinis na bato. Sa paligid naman ay maraming puno at bulaklak. Pero... sa bandang gilid namin.. kitang kita ang mga patay na puno. Nagkukulay pilak na ang katawan nito habang nakakalat naman sa lupa ang napakaraming patay na dahon. Sa unang tingin ay patay na talaga ang puno, pero kapag tinignan mo ang ibabaw nito.. napakaraming dahon. Ito marahil ang ginawa ni Honoka upang maitago ang patay na puno. Pinaganda ang ibabaw nito para magmukhang buhay pa at malusog.

         Agad akong bumaba kay Stacy the Hippogriff at lumapit sa malinis na lawa. Bumaba rin ang Shindae at sumunod sa akin---Napatigil ako sa paglalakad ganun din ang Shindae. Ang dalawang kasamang Haikushin naman ay napa-atras nang kaunti ganun din ang mga Hippogriff na kasama namin.

         Alam kong ramdam ng lahat ang tingin nila. Ramdam ng lahat na nandirito sila.. nanunuod sa amin, hinihintay ang gagawin naming kilos, hinihintay kung kailan sila aatake.

         Napakarami nila. Ramdam ko na napakaraming mata ang nakatingin sa amin, sa akin. Wala akong makita na kahit na ano o kahit na sino sa paligid. Nagtatago sila. Silang lahat.

         Napatingin ako kay Hikari nang bigla siyang tumabi sa akin. Walang sabi sabi na nilubog niya ang kaniyang paa sa lawa at--- wala pang ilang segundo ay naging yelo na ang napakalinis na tubig. Dahil dito ay mas lumamig ang malamig ng hangin. Mas lalong magsitaasan ang balihibo ko, at mas lalo akong kinabahan.

         "Itsukai, bantayan si Noah. Shindae, maghanda," mahinang sambit ni Hikari. Nagtataka man ay tumabi ang magkapatid kay Noah.

        Napalingon kaming lahat sa likod nang makarinig kami ng tila pagbagsak. Isang patay na puno ang biglang natumba, mabuti na lang at nakaiwas sila Honoka kaya hindi sila natamaan ng natumbang puno.

         Nakarinig kami ng mahinang pagtawa. Agad akong lumingon---

         Stercore!

         Napalunok ako nang sunod-sunod habang nakatingin sa palasong lumulutang sa tapat ng dibdib ko. Naglalabas ito ng mahinang itim na usok. Nilingon ko sila Daisuke at hindi rin sila gumagalaw dahil din sa palasong nakatapat sa kanilang dibdib. Maling galaw lang namin, masusugatan na kami.

         Sa maling galaw lang, hindi man kami mamatay sa tulis ng palaso. Matatapos naman kami dahil sa itim na usok na inilalabas nito. Itim na usok na paniguradong nakalalason.

Nirvana IIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz