Kabanata 74

147 6 1
                                    

Third Person

          Ang malakas na pag-ungol ni Timi ang tila naging hudyat sa mabilis na pagtakbo ni Sakura at Sabrina pasalubong sa isa't isa. Mabilis ang kanilang pagtakbo at sa bawat pag-apak ng kanilang paa sa lupa ay ang pagkabiyak nito.

          Sa mabilis na galaw ay nagtama ang kamao ng dalawa. Isang malakas na pwersa ang nalikha ng pagtama ng kanilang mga kamao dahilan upang sabay silang mapalayo. Halos sabay sa itinaas ng dalawa ang kanilang kamay at sinalo ang paparating na espada. Ang espada ni Sabrina, at ang paglutang ng espada ng isang kawal na siyang sinalo ni reyna Sakura.

          Mabilis na tumakbo si Sabrina pasalubong sa papalapit na reyna. Hindi na halos makita nila Timi ang dalawa dahil sa mabilis nilang pagkilos. Tanging liwanag na dulot ng pagtatama ng dalawang espada na lamang ang nakikita nila at ang tunog na nalilikha nito. Mabilis ang reyna at hindi alam ni Sabrina kung paano niya ito nasasabayan. Mas mabilis pa ito kay Megumi. Atake, iwas, atake, iwas ang kanilang ginagawa.

          Dali-daling gumilid si Sabrina nang iwasiwas ng reyna ang hawak na espada. Kung hindi siya mabilis na umiwas ay paniguradong nadali siya. Gamit ang hawak na espada ay sinangga ni Sabrina ang muling pag-atake ng reyna. Pero hindi lang 'yun dahil agad na itinaas ng reyna ang kaniyang paa at mabilis na sumipa. Inis na napalayo si Sabrina upang iwasan ang pagsipa ng reyna.

          Hindi na nakakapag-isip nang maayos si Sabrina dahil masyadong mabilis ang bawat pag-atake ng reyna. Tipong hindi na siya nakakaatake dahil puro iwas na lamang ang kaniyang ginagawa.

          Pero... hindi pwedeng ganun na lang.

          Agad na lumayo si Sabrina at itinaas ng kamay niya. Isang malakas na pwersa ang lumabas dito at iniwasan ito ng reyna sa pamamagitan ng paglipad palayo. Mabilis na sumunod si Sabrina at iniwasiwas ang kaniyang espada ngunit sa mabilis na paggalaw ng reyna ay nakita na lamang ni Sabrina ang sarili na papatama sa pader ng palasyo. Dahil sa kakaibang usok na nakapalibot sa kaniya ay hindi niya naramdaman ang sakit ng pagkakatama. Nabitawan niya rin ang hawak na espada.

          Nag-angat ng tingin si Sabrina at nakita ang reyna na walang emosyong nakatingin sa kaniya. Tulad pa rin kanina ay malakas na pwersa ang bumabalot sa kaniya.

          Naningkit ang mga mata ni Sabrina kasabay ng pagkasira ng pader sa kanilang paligid. Ang mga tipak nito ay agad na lumutang at nagtungo sa reyna. Sa mabilis na galaw ni Sakura ay nasisira ang mga tipak ng bato na papalapit sa kaniya. Ngunit sa likod ng mga tipak na bato ay ang papasugod na si Sabrina.

          Muling lumipad palayo ang reyna upang iwasan si Sabrina. Agad na sumunod si Sabrina at susuntok na sana ngunit sa pagkakataon ito ay hindi lumipad pataas ang reyna upang makaiwas kundi lumipad paibaba. Dahil sa biglang paglipad pababa ng reyna ay nagtuloy tuloy si Sabrina at tumama sa white transparent shield na siyang pumoprotekta sa palasyo. Buong pasalamat ni Sabrina dahil hindi niya naramdaman ang sakit ng malakas na pagkakatama pero... tila salamin na nabasag ang white transparent shield.

          Napalingon si Sabrina at nakita ang reyna na palalapit. Inis na lumipad siya palayo.

          Dahil na rin sa pagkasira ng shield sa paligid ng palasyo ay ang mabilis na pagsugod ng mga halimaw sa himpapawid. Ngunit hindi pa tuluyang nakalalapit sa palasyo ay agad na namamatay ang mga halimaw dahil sa pagtama sa kanila ng laser, yelong kristal at malakas na pwersa ng tubig.

          Muli na sanang aatake ang reyna ngunit isang malaking halimaw ang biglang lumitaw sa kaniyang harapan at bumuga ng isang nakalalasong usok. Bigla na lamang pinalibutan ng asul na apoy ang reyna na siyang prumotekta sa kanila mula sa nakalalasong usok. Sa mabilis niyang galaw ay nahati sa gitna ang halimaw at nalaglag sa lupa.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now