Kabanata 8

439 18 2
                                    

Shizuka

          Malakas na tili ang pinakawalan ko bago ako lumapit kay Noah. Agad niya kong hinila papunta sa likod. Tinusok at binaon niya ang kaniyang espada sa ulo ng plant monster.... na sanhi ng pagkamatay nito.

          Nanginginig na napakapit ako sa kay Noah.

          Akala ko... katapusan ko na. Napakalapit na kasi ng malaking bibig nung plant monster sa likod ko bago ako hinila ni Noah. Ramdam na ramdam ko pa kanina ang mainit nitong hininga.

          "Shizuka."

          Tinignan ko si Noah "Umalis na tayo dito."

          Tumango siya bago ako hinila. Ang tangkay na nakaharang sa daan na pilit nyang inaangat kanina ay pinutol nya gamit ang espada para makadaan kami. Pwede nanamang putulin yun dahil patay na rin naman ang ulo.

          Isang nakabibinging alingawngaw ang nagpahinto sa amin ni Noah. At ng ilibot namin ang aming paningin... halos lahat ng inaakala kong malalaking bulaklak ay lumalabas na ang pagkahalimaw ng mga to. Nakatayo ang lahat at naglalabas ng nakabibinging ingay tulad ng sa halimaw na nakalaban namin kanina.

          Nagising sila. Nagising silang lahat dahil sakin.

          Napatakip ako ng tenga ko.

          Nakakarindi!

          Naramdaman ko ang kamay ni Noah sa braso ko. "Umalis na tayo rito." saad niya at hinila ako.

          Mabilis naming tinungo ang daan. Halos tumakbo na nga kami. Nagpadulas at tumalon ang ginagawa namin para malagpasan ang mga tangkay na nakaharang. May iilan pang plant monster na yumuko para maabot kami. Hindi tulad kanina, mismong ulo na ang tinitira ko para mapatay at makalayo sila.

          Naramdaman ko ang kamay ni Noah sa bewang ko at binuhat niya ko kaya naman agad kong tinalon ang malaking tangkay. Hindi na ko nag-abala pang lumingon dahil alam kong kaya naman yung lagpasan ni Noah.

          Napatigil ako sa pagtakbo ng isang kakaibang plang monster ang bumungad sakin. Patayo ang bibig nito at bukang buka na tila handa ng mangain.

          Isang kamay ang naghila sakin palayo ng mabilis na yumuko ang plant monster para umatake sakin. Nilingon ko si Noah. Tuloy lang siya sa pagtakbo habang hila hila ako. Napayuko ako. Wala sa braso ko ang kamay nya kundi nasa mismong kamay ko.

          Matapos ang ilang minuto naming pagtakbo at pagiwas sa mga plant monster ay nakalabas na rin kami. Nasa isang ordinaryong gubat kami. Napaupo ako dahil sa pagod.

          Nakakahingal.

          "Tubig!" Wala pang tatlong segundo ay nasa harap ko na lagayan ng tubig. Nang tumingala ako ay nakangiting si Noah ang bumungad sakin.

          Kinuha ko agad ang tubigan at napaiwas ng tingin. Nagagawa niya pa kong ngitian kahit na ako naman ang dahilan kung bakit muntik na kaming mapahamak.

          Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Napainom tuloy ako bigla. Napansin niya ata ang ginawa ko kaya naman natawa siya ng mahina.... na dahilan para mabulunan ako.

          "Shizuka ahahaha ayos ka lang?" tanong niya habang hinihimas ang likod ko.

          Naiinis na nilingon ko siya. "Ayos sana ako kung hindi mo ko tatawanan." saad ko bago umubo.

          Napaiwas siya ng tingin. "Sungit." rinig kong bulong niya. Napasimangot ako ng mapansin ang pag-angat baba ng balikat. Tinawanan niya ko.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now