On And On

946 17 6
                                    

Flashback...

Vice's POV

"Nakapag desisyon na ako....."

Sabi ko kasabay ng muling pagpatak ng mga luha mula sa mata ko. Hinarap ko si Reaper, bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Burahin mo ako sa puso at sa isip niya."

Basag ang boses na sabi ko sakaniya. Napahimas siya sa baba niya na parang nagiisip tapos ngumisi at nagsalita.

"Sigurado ka na ba?"

Sabi niya saakin. Tinignan ko siya. Tinatantya ko ang bawat galaw niya at sasabihin.

"Oo. Pero teka... Ganun lang ba kadali yun?"

Tanong ko. Mabubuhay lang kami na hindi magkakilala. Na walang alam tungkol sa isa't isa. Ganun lang ba yun?

Ngumisi siya saakin bago siya nagsnap ng mga daliri niya. Kasunod ay naramdaman kong para akong tinangay ng napakalakas na hangin pataas. Hindi ko maifocus ang paningin ko sa kahit anong bagay hanggang sa parang nagrerewind ang panahon. Iisang tao lang ang lumilitaw dun. Si Jaki.

Piniplay back yung mga oras na magkasama kami. Yung mga masasayang oras namin together at magging yung mga hindi maganda.

Pabilis ng pabilis hanggang sa huminto sa kahulihulihang araw na magkasama kami.

Huminto sa nakangiting si Jaki. Sinubukan ko siyang hawakan pero tumagos lang ang kamay ko. Dahan dahan siyang nawala. Unti unti hanggang sa wala nang kahit ano kundi kadiliman na lang.

Lumiwanag ang paligid kasunod ng paglitaw ulit ni Reaper. Napakunot noo ako sakaniya habang nakangiti siya saakin ng parang nangaasar.

"Ngayong nakalimutan mo na si Jaki, pwede na kitang ibalik sa mundo. Babalik ka mula sa araw na pinanganak ka at magsisimula muli ang oras mo."

Nakangisi niyang sagot. Pilit kong inaalala kung sino yung pangalang binanggit niya pero walang kahit ano akong mahanap na sagot.

"Jaki? Sinong Jaki?"

Kunot noong tanong ko na nagpangiti sakaniya ng maluwag. Tumawa siya ng malakas bago namulsa.

"Siya nga pala, gusto kong nalaman mo na kung sakasakali mang magkita kayo ulit at mahulog nanaman ang loob mo sakaniya ay may isang matinding pagsubok kayong haharapin na dapat ninyong mapagtagumpayan ng sabay dahil ito na talaga ang huling chance ninyong dalawa."

Gusto kong tanungin siya kung anong pinagsasabi niya at kung sino ang binabanggit niyang 'siya' pero bigla na lang dumilim.....

Present Time

"Grabe ka naman Meme! Napakadaya mo naman. Nasa economy nanaman kami tapos ikaw nasa business class!"

Reklamo ng make up artist kong si Bonita habang sabay sabay kaming nagtutulak ng mga trolley papasok sa boarding gate ng flight namin pabalik ng Manila. Katatapos lang ng concert ko dito sa Hong Kong kagabi pero kailangan ko na agad bumalik sa Manila para sa isa pang engagement ko.

"Oh sige palit tayo, pero sa susunod na concert ko, ikaw ang kakanta at magpapatawa sa harap ng stage at ako nalang magmamake up sayo, keri?"

Pabirong sabi ko. Hindi ko naman kasi kontrolado yun dahil producers ang nagbbook ng mga tickets namin. Mas madalas talaga eh nasa business class ako.

Nauna akong pumasok sa loob ng eroplano, pagpasok ko palang eh sinalubong na ako ng mga fans na gustong magpapicture at dahil utang ko sakanila kung nasan ako ngayon ay game na game akong pumayag.

Nung sawakas eh nahalata ata nila na pagod na ako ay hinayaan na nila akong makaupo. Chineck ko ulit yung seat number ko at hinanap yun, nakita ko naman agad.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon