Stating The Obvious

359 15 8
                                    

Jaki's POV

Litong lito man ako eh nagpatuanod na lang ako sa trip nila Madc. Nananahimik ako habang nagbabasa ng Wattpad story ni Bookfly16 at hooked na ako dun nung bigla niyaakong hilain patayo ng sofa at piliting maligo na.

"Madc! Ano bang nangyayari!? Sinong namatay??"

Kinakabahang sabi ko. Halos kasi hilain na ako ni Madc palabas ng CR at siya na ang magbihis saakin. Nakita kong ready na din yung maleta ko sa ibabaw ng bed.

"Madc!! Ano ba! Explain!"

Pigil ko sakaniya. Huminga muna siya ng malalim at mabilis na nagexplain.

"Kasi tumwag si kuya Vhong sabi niya magready ka daw kasi daw aalis daw kayo ni Kuya Vice asap. Kailangan daw bago mag 7pm asa airport ka na. Kaya bilisan mo na. Ready na mga gamit mo yung mga pang sarili mo na lang kulang."

Parang nagrarap na sabi niya. Wala ako halos naintindihan kundi 'Kuya Vhong' at 'Kuya Vice' lang. Napailing na lang ako at nagbihis na lang. White blouse lang at shorts na maong. Bahala na.

Ilang minuto pa eh nagmamaneho na si Madc papunta sa airport. Halos palipadin niya yung sasakyan ko, mabuti na lang at wala gaanonb sasakyan, dahil linggo.

Pagdating namin eh sakto din naman na nakita naming dumating yung van ni Vice. Nagmamadaling bumaba si Madc at binaba yung maleta ko bago dali dali ding kumaway kina Kuya Vhong.

Nagkalituhan pa kami dahil buong akala nakin ay sa Singapore ang punta namin pero hindi pala.

"Jeju Island?? What??"

Gulat na sabi ni Vice habang nakatingin sa tickets namin. Kakagaling namin nung sa check in counter at naglalakad na papunta sa gate namin. Sinilip ko yun, tama nga siya. Jeju Island ang nakalagay, at hindi Singapore.

"Hayaan mo na. Kanina nga wala tayong idea kung saan tayo papunta di ba? Atleast now, we know."

Natatawang sabi ko nalang sabay angkla sa braso niya. Pailing iling naman siya pero atleast nakangiti na. Napatitig ako sa mukha niya, natatabingan man ng shadow ng sumbrero eh maaaninag mo pa din talaga yung kagwapuhan niya. Mejo tumutubo na yung bigote at balbas niya, kaya mas lalo siyang nagging masculine tignan. Napangiti ako sakto namang napasulyap siya saakin.

"Uyy! Crush mo nanaman ako, Jaki ha."

Biro niya saakin sabay kindat pa. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Nakakaloka din minsan talaga tong lalakeng to.

"Kapal. Ikaw kaya tong may crush saakin."

Irap ko sakaniya na nagpatawa naman sakaniya. Kinuha niya yung kamay ko at masuyong hinalikan muna bago hinawakan.

"Hindi kita crush no. Anong akala mo saakin."

Sabi niya sabay irap din saakin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Inalis ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis na naglakad palayo.

Hindi daw, eh nanliligaw nga siya. Hmp! Nakakainis yun ah.

Bulong ko sa sarili ko.

"Jaki! Huy!"

Tawag niya saakin. Hindi ako lumingon at mas binilisan ko pa yung paglalakad ko. Narinig kong lalo siyang tumawa kaya mas nainis naman ako.

"Jaki!! Mahal kita!!"

Sigaw niya na nagpahinto saakin sa paglalakad. Napalingon ako sakaniya kasabay ng mga tao sa paligid namin. Tinignan ko siya, nakangiti siya habang nakatayo ng mejo malayo saakin. Nakabukas ang magkabila niyang braso na parang hinihintay niyang yumakap ako sakaniya. Natawa ako sa itsura niya. Napansin kong may mga tao sa paligid na mukhang nakilala kami at nagsimula nang kumuha ng videos. Naglakad ako papalapit sakaniya.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now