Fast Car

315 15 47
                                    

Mr. T's POV

Nakaupo ako sa isang bar stool at nakaharap sa stage kung saan kumakanta si Ana. Nasa table na sa bandang harap si Vice at yung mga kasama niya at mukhang nakarami na. Kanina pa ako nakamasid sa dalawa.

Si Vice na kanina pa palihim na sumusulyap kay Ana at si Ana na curious din na patingin tingin kay Vice. Napabuntong hininga ako bago ko inilabas yung relo mula sa bulsa ng pantalon ko at binuksan yun.

"Kaunting oras na lang."

Bulong ko sabay bulsa ng orasan. Bumagsak yung mga balikat ko. Paano ba to. I snapped my fingers at automatic na nagtagpo yung mga mata nina Vice at Ana. Mukhang lasing na si Vice dahil hindi na siya nagbawi ng tingin at si Ana naman eh nakatitig lang din sakaniya habang kumakanta.

"I remember we were driving, driving in your car
Speed so fast I felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder
I had a feeling that I belonged
I had a feeling I could be someone, be someone, be someone.. "

Kanta ni Ana habang nakatitig pa din kay Vice. Nagbawi siya ng tingin after the last word. Tumayo ako at naglakad palapit kay Ana. Tumayo ako sa tapat niya, okay lang, hindi naman niya ako nakikita eh. Namulsa ako.

"Ana, don't fight it. Napapagod na ako."

Bulong ko sakaniya. Umupo ako sa stage paharap sa audience at isa isa ko silang tinignan. Nagsimula ako kay Billy, ikakasal siya sa babaeng mahal niya at magkakaanak sila ng dalawa, isang babae at isang baby boy. Aalis siya sa showbiz pagkapanganak ng pangalawa nilang anak at titira sila US. He will outlive his wife at sa sobrang lungkot ay susunod din siya kaagad. Reaper.

Sinunod ko si Vhong. Napangiti ako. Two kids both male, sa ngayon in a relationship at masaya siya. Tahimik lang yung relasyon nila pero ang totoo sa iba siya in-love. He will become someone's third wheel and will be the reason ng hiwalayan. His choices though. Tadhana.

Si Vice. Peculiar tong isang to eh. Sa bawat desisyon niya may nagbabago sa future niya. Para akong tumitingin sa maduming tubig habang nakatingin ako sakaniya. Napakalabo. I'm seeing Jaki tapos biglang wala na. Kids? Two? One? Tapos mawawala. Napamasahe ako sa ulo ko bago ko inalis yung tingin ko sakaniya.

Sinilip ko lahat ng future ng mga andun. Some of them eh huling gabi na ngayon dahil sa sobrang kalasingan. Napabuntong hininga ako bago tumayo at umalis.

Lumitaw ako ulit sa tabi ni Jaki na nakaupo sa veranda habang pinapanood ang sunset. Umupo ako sa tabi niya at nangalumbaba sa coffee table.

"Ikaw naman. Haay. Jaki."

Bulong ko sa sarili ko. Akala ng lahat eh cycle lang lahat pero mali sila.

May limit lahat ng bagay at si Jaki? Andun na siya sa limit na yun.

Tinitigan ko siya. Wala pa ding nagbago kahit anong timeline pa, maganda ka din siya. Andun pa din yung glow ng mga pisngi niya at yung positivity sa mga mata niya. Mas lalo na yung puso niya na walang kasing buti.

"Hindi ko maintindihan, Jaki. Bakit ganito ang kapalaran mo. Pero wag kang mag-alala...."

Bulong ko sakaniya. Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko yung misyon ko para makabalik na ako o kung dito na lang ako para mabantayan kita.

Napakurapkurap ako at biglang may naramdaman na kung ano sa bulsa ko. Kinapa ko yun bago hinugot palabas. Puting papel na nakabilot. Napakunot noo ako habang inaunfold yun. Napabuntong hininga ako sa nabasa ko. Tumayo ako at sinulyapan ulit si Jaki ng huling beses bago naglakad palayo.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon