The Wedding

305 12 3
                                    

Jaki's POV

Si Dos. Ano bang problema nun at ayaw umalis sa isip ko. Kanina pa ako pabaling baling habang nakahiga sa kama. Wala din si Vice dahil may inaayos daw sila nila Buern at ayaw naman ako isama dahil mabobore lang daw ako. Sinamahan lang ako kumain ng dinner tapos nawala nanaman.

"Haaayyy. Nakakainis."

Bulong ko sa sarili ko bago tumayo mula sa kama. Kinuha ko yung robe na nakasabit sa sandalan ng upuan sa harap ng coffee table bago ko binuksan yung pintuan papunta sa veranda. Mejo malakas yung hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Hindi mawala sa isip ko si Dos. Yung mga titig niya saakin, yung mga ngiti niya at lalo na yung boses niya kanina habang kumakanta siya. Bawat lyrics na kasabay ng titig niya saakin eh bumabaon sa damdamin ko.

"Magkamukha nga sila pero alam ko yung pagkakaiba."

Bulong ko sa sarili ko. Iba yung tingin ni Vice saakin, mas possessive, si Dos? Hindi ko madefine. Passionate? Parang punong puno ng emosyon.

"Pero sino ka nga ba talaga, Dos? Bakit kayo magkamukha?"

Bulong ko ulit habang nakamasid sa madilim ng karagatan. Maliwanag na maliwanag yung buwan na nagrereflect sa dagat. Napakunot noo ako habang sinusubukan kong titigan yung kung anong gumagalaw sa dagat.

"Ano yun? May nagsusurf ba?"

Sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang isang figure na parang sumasaya sa ibabaw ng malalaking alon. Madilim na pero may kung ano sa puso ko na nagsasabi kung sino yun.

Unconsciously, napangiti ako. Ang saya niyang panoodin. Parang kasundong kasundo niya ang mga alon. What a mystery, that guy.

Napailing na lang ako para alisin siya sa isip ko at tumalikod na para pumasok sa loob ng kwarto. Humiga na lang din ako sa kama para subukan na ulit matulog.

Mind over matter, Jaki.

Sabi ko sa sarili ko bago pumikit para matulog.

Yung mga sumunod na araw came in a blur of events. Parang wala ako na andun ako. Mas madami kaming naibyahe kesa nakapag-usap. Sa hotel naman mas madalas na tulog si Vice at late na din umaakyat.

It felt like may tinatago siya saakin.

New York.

Maaga silang umalis at naiwan muna ako sa hotel. Binilin lang niya ako na may susundo daw saakin.

Bandang alas nuebe ng umaga ay may sumundo na nga saakin.

"Here we are. Off you go, madam."

Sabi nung chauffeur saakin nung pagbuksan na niya ako ng pinto. Tinignan ko yung karatula ng shop at napakunot noo ako bago humarap sa chauffeur.

"Ahm. I think this is the wrong place, sir."

Sabi ko. Natawa lang siya at umiling bago tinuro yung karatula.

"No, no. This is it. Just go inside someone is waiting for you."

Sabi pa niya. Ngumiti na lang ako at tumango sakaniya bago pumasok sa loob ng boutique. Nilibot ko ng tingin yung paligid at nagtataka pa ding naglakad ako papunta sa may cashier kung saan may isang babaeng nakatayo at nakayuko sa phone niya.

"Ehem. Excuse me?"

Sabi ko na nagpatingin agad sakaniya. Ngumiti siya kaagad bago nagmamadaling lumapit saakin at hinila ako sa maluwang na fitting room.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon