The Beginning Of The End

360 11 64
                                    

Jaki's POV

Tinalikuran ko si Vice, both literally and figuratively. Sobrang sakit to the point na wala na akong maramdaman. Nakakamanhid yung sakit ng ginawa niya.

Matatanggap ko pa kung nangyari yun nung mga oras na wala ako. Pero yung nagawa niya akong lokohin habang kami? Worst, nakabuo pa sila dahil sa panlolokong yun.

Wala na akong maiiyak pa. Parang naubusan na ako ng luha.

For the first mula nung mahalin ko siya, ito lang yung oras na naramdaman kong pagod na ako. Pagod na akong masaktan niya.

Hinanap ko si Vinny, isa pa yun eh. Isa pa siyang sinungaling.

Nakita ko sila sa parking lot at parehong nakatayo sa gilid ng kotse na mukhang naluging ewan. Agad akong lumapit sakanila at namewang. Gustong gusto ko na talagang sampalin din tong lalakeng nasa harap ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sumakay kayo. Ako ang magdadrive."

Sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Nung una ayaw pang ibigay ni Dos yung susi pero i gave him a cold stare kaya wala na siyang nagawa kundi ibigay saakin yung susi. Reluctant silang sumakay ng kotse.

Si Dos sa shotgun at si Greg sa likod. I rammed the accelerator at pareho silang napasigaw sa ginawa ko. Galit lang ako pero hindi ko pa gustong mamatay.

"Now. Talk!"

Inis na inis kong sabi. Walang sumagot sakanila kaya binilisan ko lalo ang takbo ng kotse.

"Jaki! Slow down! Yes! I will tell you everything I know just. Please. Let me live another day!"

Sabi ni Dos na namumutla na sa tabi ko. Nagslow down ako pero hindi na nagsalita. Hinintay kong magsalita si Dos. Bumuntong hininga siya at sinabi lahat. Mula sa nakita niya sa Malibu, yung paghire niya ng imbestigador kaya nalaman niya na buntis si Ana. Hanggang sa nakwento ni Greg na nakita niya si Vice doon pero hindi sinabi saakin.

"Ang labas pala eh ako na lang hindi nakakaalam? Ano ngayon? Masaya ba kayo? Ha!"

Galit na sabi ko. Napalunok sila pareho sa sinabi ko. Nilingon ko si Dos. Nakatingin siya saakin.

"Jaki, you have to understand, wala kami sa posisyon para sabihin sayo."

Sabi niya. Napahigpit yung hawak ko sa manibela, naiinis ako pero may point siya.

"There is one more thing."

Sabi ni Dos saakin na parang nagdadalawang isip pa. Hindi ako nagsalita.

"Yung kasal niyo ni Vice sa New York, it's void."

Sabi niya. Napaapak ako sa preno kaya muntik na silang masubsob pareho. Huminto ako sa gitna ng kalsada, wala akong pakealam kung bumubusina yung nasa likod ko. Nilingon ko si Dos.

"What!?"

I asked. Pinabasa niya saakin yung email ng Investigator. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko pero heto pa pala. May mas isasakit pa pala yung masakit. Inuntog ko yung sarili ko sa manibela at doon na tumulo yung mga luha na akala ko ay wala na.

"Jaki, please, you have to forgive him. You belong together. Mahal na mahal ka niya. Nagkamali siya pero alam ko na mahal na mahal ka niya."

Nilingon ko si Dos tapos ako bitter na tumawa. Gusto kong magmura at magwala pero hindi ko ginawa. Kinalma ko yung sarili ko bago sumagot.

"If this is love, then love is bullshit."

Sabi ko sakanila. Napamaang sila pareho sa sinabi ko. Bumaba ako ng kotse, walang pakealam sa maiingay na busina ng sasakyan. Narinig kong humahabol saakin si Dos pero hindi ko siya nilingon.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now