Just Married

447 19 8
                                    

Vice's POV

It's been a year today.

Wedding Anniversary namin ni Karylle today kaya maaga pa lang eh gising na ako. Kanina pa umalis yung asawa ko para magjogging kaya naisipan kong gumising din ng maaga para maaga akong makaalis at makapagprepare ng something for her.

Hikab ako ng hikab dahil hindi talaga ako sanay na maagang gumigising at kahit na isang taon na akong mejo morning person eh talagang hindi ko pa din makasanayan.

Nagbihis lang muna ako ng maluwag na gray shirt tapos casual shorts na black tapos sneakers na white. Nagiwan ako ng note para kay K, sabi ko lang na maaga ang call time ko today. Hindi ko siya grineet pretending na nakalimutan ko yung anniversary namin.

Tinawagan ko muna si Vhong bago ako umalis ng bahay para magpatulong kaya pareho kaming knock out sa DR after namin magprep.

"Viceral! Gumising ka na!!"

Kalabit saakin ni Billy na kadarating lang ata. Bumalikwas ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa at napatayo. I checked my watch, 10am na pala. Agad kong hinanap si Vhong.

"San si Vhong?"

Paos pang tanong ko kay Billy na noon eh nakaupo na sa vanity chair niya. Tumingin siya saakin.

"Bumili ng kape, sabi niya sabihin ko daw sayo na kumuha siya ng pera sa wallet mo."

Natatawang sabi ni Billy. Napailing na lang ako sa sinabi niya bago tumayo at naghilamos sa CR. Pinapakiramdaman ko yung DR ng girls kung may tao na pero mukhang wala pa.

"Brad, sabi ni Vhong Anniversary niyo ni K today ah. Ano pagkain?"

Tanong ni Billy saakin habang papaupo ako sa vanity chair ko. Natawa ako, talagang mukhang pagkain din tong bestfriend ko eh.

"Wow, Billy ha. Pagkain kaagad naisip mo."

Sabi ko kasunod ng pagpasok ni Vhong na may dalang tatlong venti na coffee. Inilapag niya yung sa harap ng vanity mirror ko tapos kumuha ng isa at umupo sa tabi ko.

"Inaantok pa ako grabe."

Sabi niya sabay higop ng kape. Kumuha din ako ng isa at uminom. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo tapos dumagdag pa yung biglang dating ni Buern at Bonita na napakaiingay.

"Meme!! Bihis na."

Sigaw ni Buern saakin. Inirapan ko lang siya, may asawa na ako at lahat pero Meme pa din talaga ako sakanila. Tumayo na lang ako at susuray suray na nagbihis.

Nagsuot lang ako ng red na pull over sweater at tattered na faded shorts.

"Pst! Pogi!"

Tawag ng kung sino na nakasilip sa pinto. Nilingon ko si K na nakasilip dun. Wala pang make up at maayos na nakapusod yung buhok niya. Nakasuot pa din siya ng glasses at nakangiti. Natatawa akong lumapit sakaniya at humalik sa noo niya.

"Oh, bakit di ka pumasok? Lika."

Sabi ko sakaniya sabay bukas ng pinto para makapasok siya. Pumasok siya. Nakahoodie siya ng itim na floral at maiksing shorts. Tinignan ko muna yun suot niya.

"Please tell me na hindi yan ang isusuot mo mamaya sa show."

Sabi ko. Ayoko talaga na nagsusuot siya ng maiksi lately kasi may minsan na nabastos siya dahil sa iksi ng shorts niya at muntik na talaga akong makapanakit ng tao. Natawa naman siya bago yumakap sa bewang ko. Napansin ko naman na may tinatago siya sa likod niya na pilit kong sinisilip.

"Ano yan? May tinatago ka jan? Patingin."

Pangungulit ko sakaniya. Pero dahil nakakapit siya sa bewang ko eh hindi ko makita ng maayos.

"Uy uy kayong dalawa, mamaya na kayo magganya ganyan. Naiinggit na kami."

Biro ni Billy saamin. Napatingin naman kami sakaniya bago tumawa.

"Bibigay ko lang to kay Vicey tapos bihis na din ako. Kaya pikit ka na lang muna Billy."

Sabi ni K sakaniya habang ngiting ngiti. Humalik ulit ako sa noo niya bago niya inabot saakin ang isang box na kulay pula at may white na ribbon. Aabutin ko na sana pero binawi niya ulit.

"Later mo na buksan ha pag alis ko. Love you."

Sabi niya bago inabot ulit saakin yung box na kinuha ko naman agad pagkaabot ko ng box eh agad niyang lumabas ng kwarto na parang bata. Nagtinginan kaming tatlo tapos napatingin kaming lahat sa box.

"Meme! Buksan mo na dali!"

Sabi ni Bonita na mas excited pasaakin. Ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan ako sa box na yun. Napalunok ako. Dahan dahan kong tinaggal yung ribbon. Walang nagsasalita at lahat kami ay nakatingin lang sa box.

"Dali na! Magoon air na tayo di mo pa yan nabuksan!"

Sabi ni Vhong na kulang nalang eh hablutin yung box mula sa kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba! Asawa mo ba! Asawa mo!"

Biro ko sakaniya bago binaling ulit ang tingin sa box. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang binuksan yung box.

"OMG!! OMG talaga!!!!"

Tili ni Buern habang nakatingin sa laman ng box. Natulala ako at hindi agad nakasagot.

"Tol!! Magging daddy ka na!!"

Sabi naman ni Billy sabay talon talon pa. Hindi ako makagalaw. Para akong hihimatayin.

Agad akong lumabas ng pintuan at inabutan ko si K na nagaantay lang pala sa labas ng DR. Ngiting ngiti akong lumapit sakaniya at yumakap. Binuhat ko pa siya at inikot ikot.

"Magkaka-baby na tayo!!!???"

Sigaw ko pa. Kumapit naman siya sa balikat ko at tumatawang tumango lang bago ako ikiss sa noo. Ibinaba ko siya nung maalala kong buntis nga pala siya.

"Happy ka ba?"

Nakatitig sa mga mata kong sabi niya. Napangiti ako ulit.

"Happy is an understatement. I am extatic! Akala ko ba..."

Sabi ko salaniya. Dahil ang alam ko eh nagpipills siya kaya hindi ako nageexpect na makakabuo kami anytime soon. Yumakap ulit siya sa bewang ko bago sumagot.

"I must have missed a day. Pero sobrang happy ko. Magkakababy na tayo."

Sabi niya sabay tingin ulit saakin. Hindi ko napansin na may tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko. Nung after ng wedding namin kasi sinabihan ko na siya na gusto ko na agad magkaanak pero sabi niya ienjoy daw muna namin ang isat isa.

"I love you."

Sabi ko bago ko siya halikan sa noo. Humiwalay na siya saakin.

"Sige na, balik ka na at magpeprepare na din ako."

Sabi niya sabay tulak saakin kaunti at naglakad na paalis. Lumingon pa siya ulit at nagflying kiss. Pailing iling akong naglakad pabalil sa DR namin nung may humagip ng atensyon ko.

May babaeng papasok ng DR ng mga dancers. Familiar siya parang nakita ko na somewhere.

Napakunot ako ng noo.

Sino ba tong....


"Jaki!?"

Pasigaw kong sabi na nagpalingon sakaniya sa direksyon ko.

Nagulat siya at ako din.

Siya nga. Napahawak ako sa dibdib kong parang biglang kinabahan.

Bat siya andito....

Tumango lang siya bago agad pumasok sa loob ng DR.


Bat siya andito at bat ako nagkakaganito....

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now