Goodbye

421 13 7
                                    

Jaki's POV

Eleven months.

Eleven months na akong dancer sa Showtime. Pero ngayon lang ulit niya ako napansin. Ngayon lang ulit niya ako nakita.

Ngayon lang ako nakita nung lalakeng gumulo sa buhay ko.

Magpapakasal na sana ako sa long time boyfriend kong si Tom pero ano? Nakilala ko yung baklang yun.

Flashback...

"Tom, hindi ko kaya. Hindi ko kayang magpakasal sayo."

Mahinang sabi ko kay Tom habang nakaupo kami sa loob ng sasakyan niya. Isang linggo na siya dito sa Pilipinas nun at isang linggo na din kaming nagaaway tungkol sa kasal namin.

"Jaki, anong nangyari? Please. I want to understand."

Ito nanaman kami sa usapan naming to. Ilang beses na naming pinagusapan ito at ilang beses ko nang sinabi sakaniya na pakiramdam ko eh hindi pa ako handa. Hindi ko masabi sakaniya na may gumugulo sa isip ko.

"Hindi pa ako ready. Ilang beses na ba natin to pinagusapan. Please."

Umiiyak ko nang sabi sakaniya. Umiiyak ako dahil nasasaktan ko siya sa ginagawa ko. Alam ko na mali ako, umiiyak ako dahil sa guilt at umiiyak ako dahil sa nga oras na ito eh kinakasal na si Vice at Karylle.

"M-may iba na ba? Just tell me. Just give me a reason! Anything!"

Sabi niya. Tumataas na ang boses niya at pulang pula na din yung mukha niya sa inis. Hinampas niya yung manibela ng sasakyan na halos magpatalon saakin sa gulat.

"W-wala. Hindi pa lang talaga ako ready."

Pagsisinungaling ko. Napapikit siya sa narinig niya at isinandal ang ulo sa upuan ng sasakyan. He looks like he is in agony. Sinubukan kong hawakan yung kamay niya pero tinabig niya lang yun.

"Bumaba ka na. Ayoko nang makita ka pa ulit. Leave me alone."

Sabi ni Tom habang nakahawak ng mahigpit sa manibela ng sasakyan. Agad akong tumango at bumaba ng sasakyan. Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ay agad niyang pinaharurot yun. Naiwan naman ako sa harap ng gate namin na umiiyak. Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang mga tanong ng mga kasama ko sa bahay.

Paulit ulit din naman kasi sila ng tanong.

"Ano, tuloy na ba o hindi pa din?"

Tanong nanaman saakin ni dad nung makita niya akong paakyat ng hagdan. Umiling lang ako at deretso ng umakyat ng kwarto.

Isang linggo din akong nagmumokmok lang sa kwarto hanggang isang araw eh tinawagan ako ni Madc para sabihin na may audition daw sa pinagtatrabahuan niya. Ayoko sana nung una dahil nga andun din si Vice.

"Baliw, wala naman sila dun ng 2 months. Nakaleave sila for their honeymoon."

Sabi ni Madc saakin habang nakaupo kami sa coffee shop sa labas ng studio ng Showtime. Pinipilit pa din niyang magtry ako sa audition para daw magkasama na lang kami.

Nakwento ko na sakaniya yung tungkol kay Vice at yung plano kong magstay na lang dito para maiwasan ko si Tom.

"Kahit na, babalik din yun."

Sabi ko sabay inom ng kape. Tinignan niya ako bago niya hinawakan ang isang kamay ko.

"Bes, maniwala ka saakin, hindi naman kami masyadong napapansin ng mga host. Hindi ka nun mapapansin."

Sabi niya. Biglang kumirot yung puso ko. Paano pa niya ako mapapansin? Eh may asawa na siya at mukhang mahal na mahal niya yun. Napasapo ako sa ulo ko. Pero bakit ko ba siya iniisip? Bahala na nga.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now