Tulips

333 17 3
                                    

Jaki's POV

Ten days.

Ten long days without him.

Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa coffee table sa labas ng veranda ng bahay namin sa Amsterdam.

The sun is starting to peek from the horizon. Parang painting.

Nagsisimula nang magkulay salmon yung langit at unti unti nang nagliliwanag yung paligid. Huminga ako ng malalim. Ang sarap sa baga ng fresh air at ang sarap sa mata nung iba't ibang kulay ng namumukadkad na bulaklak sa garden. Yellow, red, orange and a few purple flowers. Pero wala pa ding tatalo sa puting Tulips na tanim ni mommy. Napangiti ako.

"Ang ganda sana lalo kung andito ka eh. Kamusta ka na kaya?"

Tanong ko sa sarili ko bago humigop ng kape. Mula nung umalis ako sa Pilipinas eh hindi ako nawalan ng balita tungkol kay Vice. Araw araw kong tinatanong si Madc kung kamusta siya at palagi niyang sinasabi saakin na mukha namang masaya ito.

"Baka nga mas masaya ka pag wala ako. Pag malaya ka."

Sabi ko. Pumikit ako at pinakiramdaman yung hangin na mahinang dumadampi sa mukha ko.

Mahal na mahal ko siya to the point na kaya kong ako na lang ang masaktan kesa siya yung mahirapan.

*ring *ring

Nagulat ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko na nasa ibabaw ng coffee table. Tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Nagtaka pa ako, iisa lang naman ang nangungulit saakin mula nung dumating ako dito. Sinagot ko yun.

"Gregory. You're up early."

Sabi ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko at kuha sa cup ng kape. Tumayo ako sa may barandilya ng veranda na gawa sa kahoy at nag-lean doon.

"Well, ikaw din naman. Tara mag bike tayo around?"

Sabi niya. Hindi pa din deretso kung magtagalog tong lalakeng to pero nageeffort talaga siya lalo na nung sinabi kong ayoko siya kausapin dahil sumsakit ang ulo ko sa kakaenglish niya. Natawa ako.

"Fine. Sige. Magbihis lang ako."

Sabi ko bago nagpaalam sakaniya. Inubos ko muna yung kape sa cup ko bago ako pumasok sa bahay para magbihis. Nagsuot lang ako ng maong na shorts at puting hoodie bago ko kinuha yung kulay blue kong beanie na paborito ko dahil binigay yun ni Vice saakin nung nasa Korea kami.

Inabutan ko sa baba si Mommy na naghahanda ng agahan. Humalik lang ako sakaniya bago nagsuot ng sapatos at nagpaalam.

"Mag-babike lang kami ni Greg, ma. Tirahan mo ako ng food."

Sigaw ko habang naglalakad palabas ng bahay. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil derederetso na ako sa garahe para kunin yung bike ko.

It was the color of the ocean tapos may basket sa harap at may bell pa. Sinuot ko muna yung beanie ko bago nagpedal papunta sa centro ng maliit na village namin. Inabutan ko si Greg dun na naghihintay na. Nakashorts lang din siya at tshirt na kulay blue. Ngiting ngiti siya at may pakaway pa nung makita ako.

"Saan tayo ngayon?"

Sabi ko skaniya. Saglit siyang nagisip bago ngumit at nagsalita.

"Alam ko na. Let's go sa may Tulips garden. Mejo malayo but maganda."

Sabi niya. Tumango na lang ako. Nakapunta na ako dun several times at kahit ilang beses na akong nakapunta dun ay hindi pa din ako nagsasawa.

"So... did you talk to him today?"

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now