Secret Love

405 17 0
                                    

Jaki's POV

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng chapel sa loob ng Fernwoods Garden at inaantay si Madc na sunduin ako. Nagpaalam na akong mauuna na dahil hindi ko na maipaliwanag sakanila kung bakit hindi maipinta yung mukha ko sa inis.

Nakakabwisit kasi talaga.

Flashback...

Pagdating namin ni Liz ay may nakita na kaagad kaming blue na kotse. Malamang sa hindi eh kay Vice at K yan. Uminit na kaagad ang ulo ko.

"Ready? Tara."

Sabi ni Liz saakin sabay baba ng kotse. Wala naman akong nagawa kundi bumaba na din. Pumasok kami sa chapel at inabutan yung dalawa na masayang naguusap habang nakaupo sa pinakaharap na upuan. Ngiting ngiti si K habang nagkwekwento si Vice. Inalis ko na lang sakanila yung mata ko para di ako mabwisit.

"Vice! K! What do you think?"

Sabi ni Liz sa dalawa na agad napalingon saamin. Dumako nanaman saakin yung tingin ni Vice at agad nagshift ang mood niya from saya to inis.

Napakunot noo naman ako sakaniya. Anong problema niya? Bakit parang galit siya saakin. Weird. Kagabi lang tumawag pa siya para icheck kung nakauwi na ako tapos ngayon parang inis siya saakin. Ganyan din siya kanina saakin sa restaurant. Nakakaloka.

"Yes. We love it Liz. Perfect to para sa wedding na nasa mind namin ni Vice."

Si Karylle ang sumagot. Napatingin ako sa loob ng chapel, ang ganda nga. Maliit lang yun at sobrang simple lang. Parang napakasolemn at romantic ng ambience.

"Jaki? What about you?"

Tanong ni Liz saakin. Napatingin naman ako sakaniya tapos tipid na ngumiti. Ayoko na ng ganito. Kung everytime na imemeet ko si Liz eh kasama si Vice at K, palagay ko magpapalit na lng ako ng theme sa kasal namin ni Tom.

"Actually, Tom and I might have something else in mind. Parang maganda din yung beach wedding. Darating si Tom tomorrow, so bukas na lang kami magdedecide."

Nakangiting sabi ko kay Liz. Tumango naman siya tapos bumaling ulit dun sa dalawang taong naglalandian. Pwede namang ipagpamamaya ang yakapan, kailangan talaga ngayon pa? Badtrip.

"Okay. Kayong dalawang love birds naman jan. Any flowers in mind that you specifically want for the chapel decor?"

Tanong ni Liz sakanila. Napahinto sila sa ginagawa nila at sabag pang natawa. Bwisit talaga eh.

"Hmmm. White roses and stargazers."

Sabi ni Vice sabay tingin kay K as if asking for her approval. Kinurot naman ni K yung pisngi ni Vice tapos ngumiti pa sakaniya bago sumagot.

"Yes. That would be nice. Since yun yung unang binigay mo saakin na mga bulaklak."

Sabi niya. Hinila naman ni Vice si K sa bewang para yakapin nanaman. Naiirita na ako talaga.

"Ahmm. I think I should get going na. Magpapasundo nalang ako kay Madc."

Paalam ko sakanila. Tumingin ulit si Liz saakin na parang nagtaka pero tumango na lang.

"Sure ka ba?"

Tanong niy saakin. Tumango lang ako at nagsmile bago nagpaalam sakanila. Kay Karylle lang ako nagpaalam tapos inisnob ko na lang si Vice at ganun din naman ang ginawa niya. Lalo lang akong nainis.

Ano ba, Jaki! Umayos ayos ka nga.

Bulong ko sa  sarili ko habang papalabas ng chapel. Agad kong tinext si Madc. Napansin kong papalabas na din sila ng chapel kaya dali dali akong nagtago sa likod ng isang malaking halaman sa may gilid para hindi nila ako makita.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now