I Am Him

366 16 48
                                    

Unknown POV

"Here's the document you requested."

Sabi sakin nung agent na nakausap ko ilang linggo na ang nakakaraan. Inabot ko yung envelope na naglalaman ng tunay kong katauhan. Huminga ako ng malalim bago ko inabot sakaniya yung envelope na may lamang pera. Kinuha niya yun at agad na tumayo at nagpaalam.

Naiwan ako sa loob ng opisina ko kasama ang envelope ng katotohanan. Kinuha ko yun tapos pinakiramdaman. Tumayo ako at dumungaw sa labas. The skyline is starting to take the color of a blood orange. Papalubog na ang araw pero andito pa din ako. I loosen my tie bago ko binaling ulit sa envelope yung tingin ko.

"What the hell. Let's get this over with."

Sabi ko sa sarili ko bago ko binuksan yung envelope. Isang pahina lang ang laman nun pero andun lahat ng kailangan kong malaman. Napalunok ako sa pangalan na nakarehistro doon, yung birthday at yung pangalan ng mga magulang.

"Jose Mari B. Viceral II?"

Basa ko sa pangalan. The second? Binasa ko lahat ng information na nakasulat sa pahinang yun. Naoakunot ang noo ko.

"Twins? What the fuck?"

Palatak ko sabay balik ng papel sa loob ng envelope. Being adopted is one thing, having a twin is another. Napamasahe ako sa sintido ko bago naglakad papunta sa desk ko. Binunksan ko yun at nilagay sa loob yung envelope bago ko kinuha yung suit jacket ko na nakasabit sa likod ng upuan ko at umalis.

Dumeretso ako sa isang exclusive na club kung saan members lang ang pwedeng pumasok. Nakilala kaagad ako nung nasa front desk at agad na pinaassist sa isang crew. Sinamahan niya ako hanggang makarating kami sa rooftop ng building at inakay hanggang sa isang private booth. Pabagsak akong umupo sa sofa sa andun bago umorder.

"A bottle of whiskey."

Sabi ko sa server na ngumiti at tumango.

"That kind of night, huh?"

Sabi niya habang nagsusulat sa maliit na notebook. Napailing na lang ako. Sinusulat pa eh whiskey lang inorder ko. Napaismid ako.

"Yeah."

Maikli kong sabi bago siya lumabas. Nilabas ko yung phone ko at dinial yung number ni Nico yung bestfriend ko. Nagmessage siya saakin kanina na andito siya. Pumayag naman agad siya.

Bumalik yung server na may dalang isang bottle ng regular ko na Fireball Cinnamon Whisky. Nilapag niya yun sa round table sa harap ng sofa kasunod ng isang bucket ng ice at whiskey glass bago lumabas.

Agad akong naglagay ng yelo sa baso ko at nagbuhos ng whiskey dun.

Pinalamig ko muna saglit bago ako uminom. Napabuntong hininga ako na parang na-sooth kaagad yung pakiramdam ko.

Ilang minuto pa akong uminom magisa bago dumating si Nico.

"Vinny, my man! How are you! It's been how long?"

Sabi niya with that heavy irish accent of his. Tumayo ako para ibro hug siya bago kami umupo ulit. Sumenyas siya sa server na agad namang nagdala ng baso at menu.

"I'm fine. I already know my real name and guess what? I have a twin."

Sarcastic kong sabi sabay straight ng laman ng baso ko at patong nun sa table. Nagulat naman si Nico at napainom na lang din bago napatulala habang nakatingin saakin.

"I don't know if I should say congrats or what. This is what you want right?"

Sabi niya habang nakatingin saakin. Bumuntong hininga ako bago naglagay ng alak sa baso. This is what I wanted.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon