Her Everglow

376 14 3
                                    

Vice's POV

It's been six months mula nung araw sa Jeju na finally nagging officially together na kami ni Jaki.

Nung una nahirapan kami pareho sa adjustments lalo sa show pero dahil napaka maintindihin ng girlfriend ko ay agad kaming nakarecover.

"Mukhang seryosohan na talaga yang sainyo ni Jaki, brad ah. Tingin mo ba eh. Alam mo na."

Tanong ni Vhong saakin habang nakaupo kami sa harap ng bar sa bahay ko. Napakunot muna ako ng noo na parang iniisip kung anong ibig niyang sabihin.

"Ano ka ba. Plano mo bang pakasalan? Yun ang tanong ko."

Sabi niya bago uminom ng alak. Natawa naman ako bago sumagot.

"Kasal agad? Anim na buwan palang kami. Ayoko namang mabigla siya."

Sabi ko habang nilalaro yung baso sa kamay ko. Sa totoo lang sumasagi na minsan sa isip ko na ayain si Jaki na magpakasal pero ayoko kasing ipressure siya. Ngumisi si Vhong saakin bago uminom ulit.

"Kailangan ba tumagal muna bago magpakasal? Yung iba nga jan ang tagal nagging magjowa tapos nung nagpakasal, naghiwalay din."

Sabi niya sabay tungga ng alak sa baso. Napatango tango lang ako sa sinabi niya bago sumagot.

"Sabagay, may point ka naman dun. Siya nga pala, sino ang prod bukas? Bakit parang big deal ata masyado?"

Tanong ko. Sabado kasi bukas at usap usapan yung magpoprod dahil after ilang months daw eh ngayon lang ulit lumabas. Napahawak naman sa baba si Vhong bago sumagot.

"Ikaw naman kasi puro si Jaki ang inaatupag mo. Anyway, yung banda kasi yun na namatayan ng vocalist. Ngayon lang ulit sila tutugtog at ang sabi eh yung fiancee daw nung vocalist ang kapalit na lead."

Mahaba niyang explanation. Napahawak din ako sa baba ko.

"Napaka-morbid naman ata nun? Parang araw araw sa bihay niya eh pinapaalala sakaniya yung ex niya na namatay."

Malungkot kong sabi. Naalala ko bigla si Karylle. Napabuntong hininga ako bago tumayo at tumingin sa orasan.

"Uy! Late na pala. Susunduin ko pa si Jaki sa studio. Patapos na rehearsals nun. Tara na."

Sabi ko kay Vhong. Tumayo na din siya mula sa kinauupuan at hinablot yung denim jacket niya mula sa sandalan bago kami sabay na lumabas ng bahay.

Nag-aantay na si Jaki sa labas ng studio pag dating ko kaya halos takbuhin ko na yung kinatatayuan niya. Nakita naman agad niya ako pero hindi siya ngumiti.

"Oh-uh."

Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang nakalapit sakaniya. Alam ko na yung mga ganung tingin niya by now. Alam kong kanina pa siya nagaantay at naiinis na siya saakin.

"Hi, babe. Sorry. Kanina ka pa ba?"

Bati ko sakaniya sabay halik sa pisngi niya at kuha sa mga dala niya. Napakunot noo siya saakin kasunod ng pagamoy niya saakin. Tinignan niya ako ng masama bago nagsalita.
Kinabahan ako.

"Are you drunk!?"

May halong inis na sabi niya. Napakamot na lang ako ng batok bago sumagot.

"No, I'm not. Nag-tig isa lang kami ni Vhong kanina sa bahay. Bigla siyang sumulpot kanina eh."

Sabi ko. Huminga siya ng malalim at hindi na sumagot pero nagpatiunan nang naglakad papunta sa kotse. Lalo akong kinabahan. Tahimik kami pareho habang nasa loob ng sasakyan.

Sinusulyap sulyapan ko siya pero talagang hindi nagpapatinag tong katabi ko.

"Babe? Are you hungry? Kain muna kaya tayo?"

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon