Scarlet Letter

378 13 26
                                    

Vice's POV

I still feel like I'm dreaming. Kanina bad mood na bad mood ako kasi akala ko aawayin nanaman ako ni Jaki pero when she started singing.

Wow.

Nanunuot sa bawat himaymay ng pagkatao ko yung bawat liriko ng kanta na inaawit niya. Nararamdaman ko yung sakit nung kanta na parang yun din yung nararamdaman ko. Parang bawat sakit na pinagdaanan ko eh sina-sum up niya sa iisang kanta. I was facinated.

"Halika na. Dali na. Habang break pa. Tatanong lang natin yung pangalan eh."

Pangungilit ni Jugs at Teddy saakin pagkatapos ng opening. Pilit kong tinatanggihan yung alok nila na katukin yung banda sa DR para magpakilala dahil baka magalit nanaman si Jaki saakin. Kanina ko pa nga siya hinahanap pero hindi ko makita eh.

" Wag na. Kayo na lang. Hanapin ko muna si Jaki saglit."

Sabi ko sabay akmang aalis na pero hinila ako nung dalawa at pilit na isinama papunta sa DR ng banda. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Yung mga instrumentalist lang ang inabutan namin sa loob.

Isa isa naman silang nagpakilala at kumamay saamin pero wala akong masyadong maalala sa mga pangalan nila.

"Ana! Halika dali. Si Jugs, Teddy at si Vice oh."

Sabi nung isa na pagkakaalala ko eh bassist nila. Napalingon kaming tatlo sa babaeng bagong pasok. So, her name is Ana. Napamaang kaming tatlo dahil mas grabe yung resemblance nila ni Karylle ngayon kesa nung huli ko siyang nakita sa Korea. Mejo pumayat kasi siya.

"Ahhmm. Ehem. Nakakaconcious po. Wag niyo ako titigan."

Sabi niya sabay yuko at tingin sa dulo ng boots niya. Napatikhim kami parepareho at mejo nervous na natawa na parang hindi talaga makapaniwala sa nakikita namin sa harapan namin.

"Sorry, Ana. Kamukhang kamukha mo kasi si... yung... kaibigan namin."

Sabi ni Teddy habang nakatitig pa din kay Ana. Tumango lang siya at halatang mejo hindi na siya kumportable. Mejo uneasy na kasi ako sa nangyayari. Naglakad siya palapit sa sofa sa may left side ng kwarto at nagayos ng mga gamit nila na andun.

"Ganun ba? Sasabihin ko sana na baka kamaganak ko siya pero wala kasi akong kamag-anak kaya imposible."

Sabi niya. Nagkatinginan kaming tatlo at mejo natawa. Hindi namin nagets yung ibig niyang sabihin na wala siyang kamag-anak.

"We should go. Ahm. By the way, Ana, you were great kanina. Ganda ng voice mo. We should do a collab soon."

Sabi ko na lang. Halata kasing hindi siya mapakali at mejo kinakabahan na siya. Ngumiti siya kaunti saamin at tumango bago sumagot.

"Sure. Thanks."

Simpleng sabi niya bago niya binalik sa mga kagamitan ang atensyon niya. Agad ko namang hinila palabas ng DR yung dalawa at walang imikan kaming pumunta sa DR namin kung saan nandun si Vhong at Jhong. Napatingin sila saamin at parehong napakunot ang noo.

"Saan kayo nagpunta?"

Tanong ni Vhong habang nakataas ang isang kilay na nakatingin saakin. Hindi naman ako makatingin ng deretso sakaniya na parang naguguilty ako kahit wala naman akong ginawang masama.

"Itong dalawa kasi..."

Sabi ko sabau turo kay Jugs at Teddy pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang sumabat yung dalawa.

"Yung vocalist!"

Si Teddy habang papalapit kay Vhong na umakbay pa sakaniya.

"Kamukhang kamukha ni Karylle di ba? Grabe!!"

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now