Breakout

358 14 27
                                    

Jaki's POV

Natutunan kong pabayaan si Vice sa mga bagay na gagawin niya. Nagtitiwala ako sakaniya na alam niya ang tama at mali. Mejo naiinis lang ako tuwing magdedeny siya ng mga bagay na tungkol kay Ana.

Kinakalma ko ang sarili ko tuwing makikita ko na magkausap sila o pag nakikita ko na may mga messages si Ana sakaniya. Kahit minsan hindi ko siya pinakealaman dun dahil sabi nga niya trabaho lang yun. Nilulunok ko yung pride ko everytime na makikita ko yung mga tinginan nila.

Ang mahalaga saakin ako ang pinipili niya.

Naghahanda na siya para sa concert niya kaya nitong mga nakaraang linggo eh ilang oras na lang sa isang araw ko siya nakikita at nakakasama. Madalang ang text at tawag dahil sobrang subsob siya sa rehearsals.

"Bes! Huy! Kanina pa ako daldal ng daldal dito, di ka naman nakikinig!"

Sabi ni Madc sabay simangot sa tabi ko. Nakaupo kami nun sa sofa sa condo at nanonood ng movie sa netflix. Nakaupo naman sa carpeted floor si Greg na wala din daw magawa kaya andito.

"Ha? Ano ba yun? Sorry."

Sabi ko. Kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa orasan dahil sabi ni Vice ay pupunta siya dito. 10pm na pero wala pa siya, sabi niya kanina 6pm sila matatapos sa rehearsals pero wala pa kahit anino niya.

"Hay naku! Ang sabi ko nakapagempake ka na ba? Diba sa susunod na araw na yung flight niyo?"

Sabi ni Madc sabay subo ng popcorn. Nagkibit balikat lang ako.

"Bukas na lang. Sunday naman eh. Tsaka wala naman akong masyadong kailangan ipack."

Sabi ko sabay abot din ng popcorn muna sa hawak niyang malaking bowl. Nilingon kami ni Greg.

"Where are you headed by the way?"

Tanong niya saakin habang ngumunguya ng popcorn. Inalala ko yung sinabi ni Vice na itinerary.

"New York and California, i think."

Sagot ko. Sa pagkakaalala ko apat na lugar yun eh pero dalawa lang ang naalala ko. Tumango lang si Greg bago ulit humarap sa TV.

"Gusto mo nanaman sumama no?"

Sabi ni Madc sabay kalabit kay Greg. Natawa naman saglit yung isa bago sumagot.

"Hindi naman. I just remembered that I need to visit my mom as well soon."

Sabi niya. Natawa naman si Madc sabay bato ng popcorn kay Greg na biglang napatingin saamin.

"Palusot!! Taga saan ka ba?"

Tanong ulit ni Madc. Kumuha muna ako ng popcorn at sumubo ng isa.

"I grew up in London but right now my mom is visiting my brother in Malibu."

Sabi ni Greg sabay bato din ng popcorn kay Madc. Hindi naman nagpatalo yung isa kaya ilang minuto pa eh full blown popcorn fight na ang nagaganap salas.

Ang lakas ng tawanan namin dahil nagteam up na kami ni Madc at hindi na halos makaganti si Greg saamin.

"Andaya, I am out of ammo!"

Sigaw niya mula sa likod ng sofa. Tawa lang kami ng tawa ni Madc kaya hindi namin napansin na nakatayo na pala sa may pintuan si Vice at tahimik na nakatingin saamin. Dali dali akong umayos at naglakad papunta sakaniya habang sumesenyas kay Madc na magayos na. Natatawa lang siyang sumaludo saakin.

"Babe, anjan ka na pala. Late niyo natapos ah?"

Sabi ko sabay halik sa pisngi niya at hila sa braso niya pero hindi siya gumalaw. Nagtataka naman ako dahil parang bad mood siya kahit kadarating lang niya. Baka pagod.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now