Colour Spectrum

338 13 11
                                    

Jaki's POV

Tahimik akong naglalakad papasok ng studio pagdating ko. Alam kong hindi ako susunduin ni Vice dahil nag-away kami kagabi at ganun naman talaga siya palagi pag nag-aaway kami. Hindi niya ako susunduin tapos magsosorry na lang pag okay na siya.

Napabuntong hininga ako. Tuwing naiinis ako sakaniya, galit din siya. Pero pag siya ang naiinis saakin, hindi ako mapakali hanggat hindi kami okay. Pumasok ako sa loob ng DR namin. Wala pang tao dun bukod sa isang bungkos ng pink na roses at note na galing kay Vice.

Again. The usual Vice with the pink roses. Alam kong gagawin niya to. Ganito niya ako suyuin pag naiinis ako. Actually nakamove on na ako sa inis ko sakaniya kagabi. Nainis lang naman ako dahil late siya dumating at amoy alak pa. Hindi ko naman siya pinipigilan uminom pero parang yun talaga ang hilig niyang gawin pag stressed siya eh. Kaso hindi na siya bumabata at nag-aalala lang naman ako sa health niya pero mas madalas eh naiinis siya saaking dahil dun.

Bumuntong hininga lang ako ulit bago ko tinapunan ng tingin yung note.

Babe,

I'm sorry about last night. Forgive me? Babawi ako, promise. I love you.

V

Binaba ko yun sa vanity at kinuha yung mga bulaklak at inamoy.

"Paano naman ako maiinis sayo kung alam na alam mo kung paano ako suyuin."

May halong inis na sabi ko sa sarili ko bago kumabas ng DR at naglakad papunta sa DR nila. Alam kong hindi pa yun kumain, kaya pupuntahan ko muna siya para makakain muna kami.

Kumatok muna ako bago ko binuksan yung pinto at nabungadan ko sila ni Kuya Teddy na mukhang nabigla at nakahinga ng maluwag nung makita ako. Ngumiti lang ako kahit halatang may gumugulo sa isip nilang pareho. Hindi na lang ako nagtanong. Tumayo si Vice mula sa kinauupuan niya. Ang gwapo din talaga kahit simple lang pumorma. Napangiti ako lalo.

"Hi. How are you? Kumain ka na ba?"

Tanong niya bago humalik sa pisngi ko. Parang may iba sa tono niya pero hindi ko na lang pinansin, baka pagod lang siya or baka naninimbang lang.

"Not yet. Ikaw? Thanks sa flowers."

Sabi ko sabay yakap sa bewang niya at tingin sakaniya. Tumingin siya sa mga mata ko bago humalik sa ulo ko.

"Teddy, breakfast muna kami. Tara, sama ka?"

Baling niya kay kuya Teddy. Tumingin ako kay Kuya Teddy na mukhang nagdadalawang isip kung sasama siya saamin o hindi.

"Tara, kuya Teddy. Kain muna po tayo."

Aya ko pero umiling lang siya at kumaway.

"Naku, kumain na ako. Sige na kumain na kayong dalawa."

Sabi niya. Tinignan ko si Vice na nagkibit balikat lang bago ako inakay palabas ng DR. Kinuha niya yung kamay ko habang naglalakad kami. Yung mga simpleng bagay na ganito, ito yung nagpapaalala saakin araw araw kung bakit ko siya mahal. Kahit na minsan nagaaway kami, palagi kong binabalikan yung mga ganitong moments namin para hindi ko makalimutan na mahal ko siya.

"Saan mo gusto kumain?"

Nakangiti niyang tanong saakin habang palabas kami ng studio. Nagisip ako saglit bago sumagot.

"Kahit saan basta may tapsi."

Sabi ko sabay ngiti. Natawa naman siya bago niya ako inakay sa malapit na restaurant na may all day breakfast sa menu.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now