In My Dreams

449 19 6
                                    

Vice's POV

Nakabalik na ako sa DR ko sa Showtime pero nasa isip ko pa din si Jaki.

Yung babaeng nameet ko sa eroplano nung pabalik ako galing Hong Kong at nakabanggaan ko pa ulit kanina sa Starbucks nung bumili ako ng kape.

"Curious ka lang dun siguro."

Sabi ko sa sarili ko bago nagsalamin at nagayos ng buhok. Biglang pumasok si Vhong para tawagin ako.

"Viceral, lika na. 2 minutes na lang on air na ulit tayo."

Tawag niya saakin. Kami kasi maghohost sa next segment. Tawag ng Tanghalan. Tumingin lang ako ulit saglit sa salamin bago lumabas kasabay niya.

"Kamusta wedding preps niyo ni K?"

Tanong niya saakin habang naglalakad kami sa hallway. Napangiti ako ng malaki sa sinabi niya. Naexcite talaga lahat nung inannounce namin yung engagement namin, lalo na yung mga babies namin. Biglang bumalik sa alaala ko yung proposal ko sakaniya.

Flashback...

"Sure ka ba na sasama ka sa akin magjogging today?"

Kunot noong tanong saakin ni K isang araw na bigla akong sumulpot sa condo niya ng napakaaga. Alam na alam ko yung routine niya, at alam na alam ko yung oras ng jogging niya. Kahit hindi ako sanay gumising ng napakaaga eh ginawa ko nung araw na yun.

"Yes! Of course. Ayaw mo?"

Nakangiting tanong ko sakaniya habang nakatayo kami sa may kusina niya. Naka-suot siya ng maiksing drifit shorts na kulay black tsaka dri-fit shirt na hapit na hapit sa katawan niya. Napapalunok na lang talaga ako tuwing mapapatingin ako sa magandang hubog ng katawan niya eh. Nakatali din ng maayos yung buhok niya.

Gumagawa siya nun ng famous protien shake niya.

"Gusto. Kaso baka hinamatayin ka sa daan, Vicey. Di kita kayang buhatin."

Nakangising sabi niya saakin sabay abot saakin ng isang basong shake. Kinuha ko yun mula sa kamay niya at tinikman. Napangiwi ako sa lasa nun. Literal na halo halong lasa yung tumama sa palate ko. I almost gagged. Natawa naman si K sa itsura ko.

"Just be gently with me, first time ko."

Pilyong sabi ko sakaniya. Ako naman ang natawa sa itsura niya dahil nanlaki yung mga mata niya tapos biglang namula ng husto yung nga pisngi niya. Pilit kong inubos yung shake na binigay niya saakin bago kami sabay na lumabas ng condo.



"Vicey! C'mon. Keep up! Hindi na jogging yan eh. Walking na lang yan."

Natatawang tawag saakin ni K. Hingal na hingal na ako at mejo nagsisisi na ako sa desisyong to pero pinilit ko pa ding sabayan si K. Akala ko mahihimatay na ako nung makarating na kami sa may bandang cliffside.

Huminto muna kami saglit habang pinapanood yung dahan dahang pagsilip ng araw mula sa horizon. Nagsimula nang magkulay kahel yung langit at napakaganda nun. Breathtaking yung view. Nilingon ko si K. Nakatingin lang din siya sa horizon habang nakangiti. Ang ganda talaga nitong babaeng to lalo na pag ganitong natatamaan siya ng liwanag mula ss pasikat palang na araw. Napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa hindi mapakali. Bukod sa hingal mula sa pagjajogging eh kanina pa din ako kinakabahan.

Dahan dahan kong kinuha yung isang kamay niya kaya napatingin siya saakin at napangiti. We stood there watching the sunrise with out fingers intertwined. Wala na akong mahihiling pa.

"Kurba, alam mo... Hindi ko lubos maisip na darating ako sa punto ng buhay ko na makakaramdam ako ng ganito."

Sabi ko sakaniya bago ako tumingin ulit sakaniya. Humarap siya saakin at napasinghap ako dahil napakaganda ng effect ng liwanag na tumatawa sa mukha niya. She's breathtakingly beautiful lalo na nung ngumiti siya. Napalunok ako.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon