Epilogue

562 10 48
                                    

Alex's POV

"Good job ka jan Mr. T. Bumalik balik ka tapos susunduin ka din pala sa dulo."

Sabi ko habang naglalakad sa hallway ng ospital kung saan itinakbo si Dos. Kanina pa ako palakad lakad sa hallway dahil at tinititigan yung black envelope na hawak ko. Sa loob ng dalawang taon papalit palit ng laman yun hanggang kanina na bigla na lang itong nagging blanko.

"Ano ba Mr. T? Mamamatay ka ba o ano? Ang labo nito eh."

Sabi ko sabay bulsa ng envelope sa bulsa ng hoodie ko. Hinugot ko yung puting papel na iniwan ni Mr. T saakin at binuksan ko yun.

One event, different choices.
A life for a life.
A love for a love.

Simpleng bagay lang yun pero yun ang gumulo sa envelope ko. I think ito na yung ibig sabihin nito eh. Binigyan nanaman siya ng swap card ni bro tapos ginamit nanaman niya.

"Patay na patay talaga kay Jaki eh, ayan tuloy. Patay nanaman."

Sabi ko bago tumayo sa harap ng pintuan ng ICU kung saan nandun sa loob si Dos at si Jaki. Hindi na umalis si Jaki sa tabi niya bukod lang kung magCCR. Parating na din si Vice.

"Ano kayang mangyayari pag nagkita sila? Napakagulo ng buhay nitong tatlong to, isinumpa yata ako at ako pa ang natapat sakanila."

Sabi ko sabay hilot ng ulo ko at pasok sa loob.

Tumayo ako sa may tabi ng bed ni Dos. Kung ano anong apparatus ang nakadikit sakanya. Pero yung mukha galos lang. Astig din ah.

Umupo ako sa tabi niya tapos tinignan si Jaki. Kanina pa niya hinahaplos yung kamay ni Dos. Napakunot noo ako. Naglean ako para matouch yung noo ni Jaki. Napasinghap ako nung biglang nagflashback nung past life ni Jaki. Para akong nanonood ng 3D. Nagfaflash lahat sa harap ko. Hanggang doon sa oras na nagkipag kasundo si Vice sa dating reaper para pagbigyan yung hiniling ni Jaki.

Pumikit ako nung nawala na lahat sa harap ko.

"It's not you, Dos. Si Jaki."

Bulong ko sabay kuha ulit nung note na iniwan saakin ni Mr. T.

"That choice was never yours to make. Walang nagbago, nadelay lang."


Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig kay Jaki tapos kay Dos. Hindi ako pwedeng makealam sa buhay nila pero isang beses lang, kahit ngayon lang, papakealaman ko kayo.

I touched Dos's forehead. Binigyan ko siya ng regalo. Tutal naman may naaalala ka na

Lahat ng alaala niya. Walang labis at walang kulang.

"Use them well. Para naman maganda ang panonood ko sainyo."

Sabi ko sabay tayo. Sinalat ko yung envelope mula sa hoodie ko at inilabas.


Blanko pa din.

Tumayo ako at tumingin kay Jaki.

One choice will change everything.

"Choose well, Jaki. It all comes down to this."

Sabi ko bago tumingin kay Dos na nagsisimula nang gumalaw ang mga kamay at kumunot ang noo.

"Welcome home, Vice."

Sabi ko sa sarili ko bago umalis at hinanap si Jose. Nakealam na din lang ako, sagad sagadin na natin.

I snapped my fingers.

Let's play swap!

---------
Hoooo! Magsampol ka na!! Alam mo na kung sino ka. Hahahaha. 🤣🤣



PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now