Unfaithful

424 19 3
                                    

Karylle's POV

Hindi kami pumasok ni Vice sa Showtime today gaya kahapon dahil grabe pa din yung morning sickness ko. Natutuwa naman ako sa asawa ko dahil kahit hindi siya morning person at hindi siya mahilig magbreakfast eh nagluluto pa din siya ngayon ng agahan.

"Pogi! May oranges pa ba tayo?"

Tanong ko habang nakaupo sa sofa. Bigla akong nagcrave ulit ng oranges pagkatapos kong mahilo kanina. Napabuntong hininga ako bago ko hinaplos yung baby bump ko. Hindi pa siya halata masiyado. Napangiti ako.

"Baby, wag mo naman masyado pahirapan si mommy."

Malambing kong sabi. Naramdaman kong tumabi saakin si Vice sa sofa habang masuyo akong tinitignan at may hawak na plato na may lamang nabalatan ng oranges. Napakunot ako ng noo sa nakita ko.

"Pogi, bakit binalatan mo na? Ayoko na yan. Gusto ko ako magbabalat."

Maktol na sabi ko sakaniya. Napatingin siya sa mga oranges na nasa platong dala niya bago timingin ulit saakin at humalik sa noo ko bago tumayo paalis.

Napangiti ako. Alam ko ang weird ko lately lalo na sa mga demands ko pero kahit minsan hindi siya nagreklamo kaya lalo akong naiinlove sa asawa ko eh. Kaso hindi mawala sa isip ko yung reaction niya nung makasalubong namin si Jaki. Ang sakit makita na may ibang babae na may ganung epekto sakaniya. Alam ko, dahil ganun din siya noon saakin. Nung panahon na dinideny pa namin pareho sa isa't isa na may feelings na kami.

Nung mga oras na yun kay Jaki nakatuon ang pansin ko. I saw it in her eyes, may gusto siya sa asawa ko. Even before nung prewedding prep namin at nung sa bar nung gabi ng stag party ni Vice. Alam ko. Pero hindi ako nagsalita dahil may tiwala ako sa asawa ko.

"Kurba, uy. Naririnig mo ba ako?"

Marahang yugyog ni Vice sa braso ko kaya napatingin na lang ako sakaniya. Kanina pa yata siya nakaupo sa tabi ko habang may hawak na isang orange. Tinignan ko yun pero parang biglang ayoko na nun. Tumingin ako kay Vice na kunot noo na tila nagaalala bago ako ngumiti.

"Sorry po daddy. Ano po yun?"

Pabiro kong tanong sakaniya. Napangiti siya ng maluwag sa sinabi ko. Tuwang tuwa siya pag tinatawag ko siyang daddy. Natawa ako ng kaunti.

"Sabi ko po mommy, ito na po yung orange niyo. Tsaka ready na po yung agahan. Halika na."

Nakangiti pa ding sabi niya. Ako naman ang napangiti at napahawak ulit sa tiyan ko. Napakaswerte ng magging anak namin sa daddy niya. Tumingin ako sa mga mata ni Vice.

Nagbago ang cravings ko. Lumapit ako sakanya at humalik sa mga labi niya. I kissed him deep and he kissed me back with the same intensity and passion. Humawalay ako kaunti bago bumulong sakaniya.

"Nagbago na yung cravings ko... I want you Pogi."

Bulong ko sa tenga niya bago ko hinalikan ng maliliit yung leeg niya. Napasinghap siya sa ginawa ko at maya maya pa eh naramdaman ko na lang na buhat buhat na niya ako paakyat sa kwarto.

Vice' POV

"Nagutom ako. Let's eat."

Sabi ni K saakin habang nakayakap saakin. I kissed her forehead.

"Tara, kaso malamig na yung food. Pano naman ako ang inagahan mo."

Pilyong sabi ko sakaniya. Kinurot niya ako ng pino sa tagiliran na nagpatawa saakin. Tumayo ako at kinuha yung mga damit namin na nasa sahig pa.

Nakaupo ako sa isang bar stool sa harap ng center island habang pinapanood si K na paikot ikot sa kusina wearing nothing but underwear and my shirt. Okay yung pakiramdam niya kaya gusto niyang magluto.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now