Grim Reaper

426 14 5
                                    

Reaper's POV

Napakabait naman nitong si author, nagstop over pa talaga para lang maipakwento saakin kung saan ako nagsimula.

Anyway,

Baka magulat kayo pag nalaman niyo kung sino ako at kung anong koneksyon ko kay Vice at kay Jaki.

Nagsimula ang lahat taong 1816, pakicalculator nalang kung ilang taon na ako. Mahirap magkwenta.

I was 18 when I met him. Nakita ko siya sa labas ng simbahan at unang beses ko palang siyang nakita eh nahulog na talaga ang loob ko sakaniya.

Tuwing linggo, kasama kong nagsisimba ang pamilya ko. Hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap. Pero siya, isang anak mayaman. Anak ng haciendero na nagmamay-ari ng halos lahat ng lupang sakahan sa bayan namin.

Rich kid.

Tuwing linggo kong inaabangan si Jose sa labas ng simbahan pagkatapos ng misa at pasimpleng sinusundan ng tingin hanggang makasakay siya sa sasakyan nila. Sila lang noon ang may sasakyan sa bayan namin kaya naman kung ituring sila eh parang mga diyos.

"Pst! Pst! Sino ka ba? Palagi mo akong sinusundan."

Nagulat ako habang nagtatago sa likod ng malaking puno malapit sa batis kung saan siya nagbababad ng paa habang pinapainom yung kabayo niyang kulay itim. Dahan dahan akong lumabas mula sa pinagkukublian kong bato at ngumiti sakaniya.

Nakasuot siya nun ng puting kamesa at itim na pantalon. Ngumiti siya saakin at mas lalong nahulog ang loob ko sakaniya. Nahihiya man eh lumapit na din ako, sayang kasi ang chance di ba?

"A-Ana nga pala ang pangalan ko."

Pabebeng sabi ko habang hinahaplos ang itim na itim pero kulot kong buhok. Hindi ako makatingin sakaniya ng deretso dahil bigla akong nahiya.

"Jose. Jose Mari."

Pakilala niya sabay lahad ng kamay niya saakin. Gusto ko sanang kamayan siya kaso lang strict ang parents ko eh bawal akong mahawakan ng lalake kaya ngumiti na lang ako. Napansin niya ata yun kaya nagbawi na lang siya ng kamay at napakamot ng ulo.

"Teka, bakit mo nga ako palaging sinusundan? Masamang tao ka ba?"

Tanong niya saakin. Natawa naman ako. Ako pa talaga?

"Naku! Hindi naman sa ganun. Grabe ka."

Pabebe ko ulit na sabi. Umupo na ako nun sa ibabaw ng malaking bato habang siya naman ay umupo din sa kabilang bato. Nagkwentuhan pa kami, nasabi niya na aalis na pala siya para magaral sa España. Nalungkot naman ako bigla.

"Wag kang mag-alala,susulatan kita at babalik naman ako."

Sabi niya sabay ngiti. Pinanghawakan ko yung pangako niyang yun. Sa loob ng apat na taon, naghintay ako hanggang sa  bumalik siya.

Nung una madalas siyang may mga liham para saakin hanggang sa nabawasan na, hanggang sa wala na.

Isang araw nakarating saakin ang magandang balita. Na dumating na siya galing sa Spain. Spain na lang kasi ang corny ng Espanya. Tsaka Millennial naman ako. Feeling ko.

So agad akong pumunta sa may batis dun sa favorite hang out namin. Nakita ko siya agad dun, binati ko pa nga.

"Jose!! Kamusta ka!?"

Masayang masayang bati ko sakaniya. Nakatali ng maayos yung buhok ko at sinuot ko yung pinakamagandang bestida ko. Ngiting nguti niya akong nilapitan. Nagbago na yung itsura niya, nagpatubi na ng bigote at balbas kaya mas lalo lang akong nainlove sakaniya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkwentuhan at kung gaano karaming magagandang bagay siyang naikwento saakin.

"M-madami bang maganda dun?? Baka naman may nobya ka na?"

Tanong ko sakaniya. Nilingon niya ako, nakahiga kami nun sa damuhan. Tumagilid siya para matignan ako ng maayos.

"Paanong magkakanobya ako doon, eh andito yung nagmamay-ari ng puso ko."

Masuyo niyang sabi saakin. Namula naman ako sa tinuran niya kaya iniwas ko yung mukha ko para hindi niya makita.

Nagmamadali na si author kasi nagagalit na daw yung pasahero niya.

Iksian ko na lang.

Nung araw na yun may nangyari saamin ni Jose. Landi ko no? Pero ganun naman pag mahal mo eh.

Nabuntis ako at itinakwil siya ng mga magulang niya nung malaman yun. Sinabi nila sakaniya na layuan ako kung gusto niyang may manahin pa mula sakanila.

At ginawa naman nung gagong yun. Tinanggap ko dahil mahal ko siya. Kahit ako naman ang itinakwil ng mga magulang ko.

Nagpakalayo layo ako at sa kasamaang palad pati yung anak ko nawala din saakin.

Umiiyak pa din ako pag naaalala ko siya. Hindi manlang siya nabigyan ng pagkakataon mabuhay.

Ilang taon din ang lumipas. One fateful day, our path crossed again.

Sinabi niya saakin na may babae nang nagpapatibok ng puso niya. Tinulungan ko pa nga siya na magisip ng magandang pang regalo eh.

Oo, ako ang nakahanap ng Chocolate Cosmos na yun at ako din ang nagbigay nun kay Jose, bilang tanda ng pagmamahal ko sakaniya. Na walang katulad. Galing no? Tapos binigay niya lang kay.... Haaayy.

Iniisip niyo ba kung bakit ano naparusahan?

I became his paramour, and his wife? Yung matanda sa flower shop?

She killed me.

Kaya pareho kaming nagsusuffer ngayon.

She's another story.

Malabo ba? Kausapin ko nalang si Author na igawa din ako ng book. Hahaha.

------------

Magulo pa yung kwento pero yan yung plot. Hahaha. Happy weekend. 😎 Tara dito. Haha.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon