In Your Eyes

395 14 8
                                    

Vice's POV

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas mula nung nagsimula akong manligaw kay Jaki. Alam ko naman na mali, pero minsan nakakainip na din talaga. Naiitanong ko sa sarili ko minsan kung gusto din ba niya talaga ako o pinapaasa niya lang ako sa wala?

"Baka naman gumaganti sayo?"

Sabi ni Vhong saakin na noon eh papasubo ng popcorn. Nakaupo kami nun sa sofa sa game room ng bahay ko at naglalaro ng xbox. Pinagawa ko talaga tong room na to para sana pag nagkaanak ako eh dito kami magbobonding. Kaso nawala, sabay pa ng nanay niya. Inalis ko sa isip ko yung malungkot na pangyayaring yun at nagfocus nalang sa nilalaro namin.

"Bakit naman siya gaganti saakin?"

Kunot noo kong tanong sakaniya habang pumipindot sa controller. Naglalaro kami nun ng NBA at si Billy ang player 2. Dinidibdib niya ang paglalaro kaya hindi siya kumikibo kanina pa.

"Alam mo yun, di ba noon ka pa niya gusto? Naghintay siya sayo ng two years halos. Tapos ikaw two months pa lang. Para fair. Ganun."

Sabi ni Vhong sabay kain ulit ng popcorn. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Baka nga ganun yun.

"O baka naman inaantay niya lang na tanungin mo siya para sagutin ka niya. Di ba? Triny mo na bang tanungin siya?"

Biglang sabay ni Billy na nagpalingon saamin sakaniya. Natawa kami ni Vhong.

"Andiyan ka pa pala, Kuys?"

Natatawang sabi ni Vhong kay Billy. Iiling iling lang ako habang natatawa pa din.

"Pero may point si Billy, Kuys ha. Natanong mo na ba siya? Yung tipong, dinner tapos tatanungin mo na siya."

Sabi ni Vhong sabay bato saakin ng isang piraso ng popcorn. Inirapan ko naman siya sa ginawa niya bago ako umiling.

"Hindi pa eh. Tulungan niyo naman ako, alam niyo namang pangalawang beses ko palang to sa babae. Yung kay K nga dati, confirmation lang ginawa ko, wala manlang dinner."

Mahabang sabi ko habang naglalaro pa din. Kanina pa ako natatalo ni Billy, tambak na yung score dahil wala naman talaga dun ang focus ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap pala manligaw.

"Alam ko na! Ako na bahala. Dalhin mo na lang siya sa isang lugar na mageenjoy kayo, tapos at the end of the day, tanungin mo siya kung gusto niya bang magging gf mo."

Sabi ni Vhong sabay upo ng maayos at kuha ng phone niya mula sa bulsa niya. Agad siyang tumipa dun pero hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Ilang minuto kaming tahimik tatlo at yung ingay lang ng game ang maririnig.

"Oh! Dali na. Pack your bags! Bilisan mo na, 7pm dapat nasa airport na kayo. Ako na bahala kay Jaki, tatawagan ko si Madc. Mamaya ka na magtanong."

Sabi ni Vhong sabay hila saakin patayo. Nabitawan ko naman yung controller sa ginawa niya. Naguguluhan man eh sinunod ko na lang siya. Dumeretso ako sa kwarto habang nakabuntot sila saakin.

Kinuha ni Vhong sa walk-in closet ko yung maleta ko at binuksan yun sa ibabaw ng bed.

"Dali na. Kuha ka lang ng kahit ano na jan. Di mo kailangan ng formal. Casual lang. Bilisan mo na."

Aligagang sabi ni Vhong. Ginawa ko naman agad at inayos yun sa lamesa. Lumabas naman silang dalawa at naririnig kong may tinawagan. Baka si Madc. Naguguluhan man eh nagtiwala na lang ako sakanilang dalawa. Natawa ako.

"Mabuti nalang din talaga naginvest ako sa mga kaibigan ko."

Sabi ko habang nakangisi. Sakto namang katatapos ko nagayos ng mga gamit ko nung pumasok ulit si Vhong. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos kinunutan ng noo.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon