Malibu

334 14 33
                                    

Vice's POV

Madaling araw na nung makarating kami sa LAX. Sinundo kami dun ng isang shuttle na magdadala saamin sa Malibu. Windang na windang pa ang mga kaluluwa namin sa byahe pero heto nanaman kami, bumabyahe. Nilean ko yung ulo ko sa balikat ni Jaki.

"Grabe, byahe pa lang pagod na ako."

Sabi ko sakaniya. Naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko tapos inamoy ng kaunti. Natawa naman ako na kinilig sa ginawa niya. Parang nanay lang eh.

"Pagdating nating sa hotel matulog ka muna kaagad."

Sabi niya. Pumikit ako bago sumagot.

"Ayoko. Gusto kong maglakad sa beach kasama ka tapos mag-surfing lessons tayo. Sabi sa nabasa ko madami daw nagsusurf dun eh."

Sabi ko. Tumawa siya kaunti na parang may naalala. Tumingin ako sakaniya.

"Bakit natatawa ka?"

Sabi ko. Lalo naman siyang natawa bago nagsalita.

"Bakit surf? Di ba pwedeng tide? Alam ko na. Corny. Kaya nga natawa ako eh. Nagtanong ka pa kasi."

Natatawang sabi niya. Humagalpak naman ako ng tawa. Hindi dahil sa joke kundi dahil sa explanation.

"Kailangan talaga may explanation pa?"

Tawang tawang sabi ko. Tumawa lang din siya bago nagpout. Ang cute talaga niya eh. Nakurot ko tuloy yung pisngi niya. Nakakagigil.

"Tawang tawa ka ah. Galing ko magjoke di ba?"

Sabi niya sabay taas ng dalawang kilay niya saakin. Pailing iling na lang akong natawa sa ginawa niya.

"Wow!! Look!"

Malakas niyang sabi sabay turo sa labas ng bintana kung saan nagsimula na naming makita yung araw na papasikat over the ocean. Idinikit niya yung ulo niya sa dibdib ko habang sabay naming pinapanoo yung pagkukulay kahel ng langit kasabay ng dahan dahang pagdungaw ng araw na nagbibigay ng kakaibang kinang sa dagat.

"Ang ganda nga pero mas maganda ka pa din."

Bulong ko sakaniya sabay halik sa noo niya at yakap sakaniya. May kakaibang sensasyon na dulot yung panonood ng sunrise. May nakita akong bahay na nasa itaas ng cliff. Gawa yun sa salamin parang bahay ni Iron Man. Napangiti ako.

"Babe, look oh. Ang ganda nung bahay. Parang araw araw mong makikita yung sunrise at sunset pag jan ka nakatira. Gusto mo ba ng ganyan na bahay?"

Tanong ko sakaniya sabay turo sa sinasabi kong bahay. Tinignan niya yun at nakita kong nagningning yung mga mata niya.

"Oo nga! Ang ganda. Tapos para kang nakalutang sa dagat no. Ang laki nung veranda niya. Para ka sigurong nasa barko pag anjan ka no?"

Sabi niya. I made a mental note to check on that house. Baka sakaling for sale or kung hindi man itatry ko na lang magpahanap ng ganyang spot sa Pilipinas. Pumasok agad sa isip ko ang La Union. Tama baka may mahanap akong location na ganun sa La Union. Napangiti ako.

"Yan ang magging dream house natin. Hindi nga lang pwede sa Manila yan, babe."

Sabi ko. Narinig kong natawa siya bago yumakap sa bewang ko at tumango. Yumuko ako para tignan siya. Her face is glowing, parang ang saya saya niya lang. Hinalikan ko yung ulo niya ulit bago tahimik na nag sight seeing.

Parang may magic yung dagat, dahil biglang napawi yung pagod ko nung makita yung view nun. Nasa loob na kami nun ng room sa hotel na pagistayhan namin at nakatayo ako sa veranda habang nilalanghap ko yung salty ocean breeze ng Malibu.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now