Smores

450 21 7
                                    

Jaki's POV

Hindi kami dumeretso agad sa Bulaluhan dahil pareho kaming busog pa kaya pumunta na lang muna kami sa skyranch.

Agad naman nagaya si Vice na sumakay sa mga rides. Nauna kaming sumakay sa Red Baron tapos Nessi Coaster.

Halos mamaos naman ako kakasigaw nung sumakay kami sa Super Viking lalo na at pinili pa ni Vice na umupo sa pinakdulo.

"Hooooooooo!!"

Sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay niya habang pabagsak kami. Napapikit na lang ako sa kaba. Para akong hihimatayin. Naramdaman kong hinawakan ni Vice yung kamay ko kaya napatingin ako sakaniya ngumiti siya.

"Sigaw mo lang! Para di ka masiyado kabahan!"

Sigaw niya saakin. Umiling iling lang ako pero napasigaw na lang din talaga ako. Nagdadasal ako na sana matapos na yun.

"Grabe!! Ayoko na!"

Sigaw ko habang pababa kami. Hindi naman binitawan ni Vice yung kamay ko pero tawa pa din siya ng tawa.

"Kaya pa ba? Zipline naman!"

Sabi niya saakin sabay hila saakin. Napatakbo ako dahil hawak pa din niya yung kamay ko.

"Huy!! Awat awat! Jusko! Vice!!"

Sigaw ko pero hindi siya huminto. Mabuti na lang at naharang kami ng mga tao na gustong magpapicture kaya na save ako. Game na game naman namin silang pinagbigyan bago kami nagpaalam.

"So ano? Zipline na?"

Nakataas kilay niya akong tinignan. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Game!! Andito na din lang tayo."

Sabi ko sabay lakad kasabay niya habang magkahawak kami ng kamay.

"Pst! Namumutla ka na Jaki, sure ka ba kaya mo?"

Tanong ni Vice saakin habang inistrapan ako ng kung ano ano. Nagthumbs up lang ako kahit ang totoo eh kanina pa ako pinagpapawisan ng malagkit. Kabadong kabado ako.

Andito na din lang bakit di pa subukan.

"Ready?"

Tanong niya saakin sabay hawak ng kamay ko. Tumango na lang ako kasunod ng pagtulak saamin. Napapikit ako nung wala na akong maramdamang kahit ano sa ilalim ng paa.

"Jaki! Buksan mo kaya mata mo!"

Sabi ni Vice saakin. Binuksan ko yung isang mata ko at napangiti sa ganda ng view. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako at namamangha na sa nakikita.

"Sabi sayo eh. Makikita mo talaga yung ganda eh pag nagbukas ka ng mata."

Saabi ni Vice saakin. Napalingon ako sakaniya, nakatingin siya saakin habang nakangiti. I smiled back.

Totoo pala yung sabi nila na minsan kung sino yung taong nakasakit sayo ng sobra eh siya din yung makakagamot ng sakit na yun. Binaling ko ulit yung atensyon ko sa tanawin.

"Ang saya nun. Thanks ha."

Sabi ko kay Vice nung nakababa na kami at kumakain na ng ice cream habang naglalakad ng magkahawak ng kamay. Tinignan ko yung kamay namin na magkahawak ng kamay at napansin ko na wala na yung singsing niya.

"Uy! Nahulog mo ata yung singsing mo. Hala."

Nagpanic ako. Napatingin siya sa kamay niya tapos saakin bago nagkibit balikat.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon