Separate Lives 2

490 20 6
                                    

Jaki's POV

"Hon? Hon? Naririnig mo ba ako?"

Sabi ni Tom saakin. Nagvivideo chat kami nun pero antok na antok na ako dahil sa pagod at puyat. Nakiusap lang siya na magchat muna kami saglit bago ako matulog dahil may sasabihin daw siya saakin.

"H-ha? Yes, hon. Sorry. Sobrang antok ko talaga."

Sabi ko sakaniya kasunod pa ng hikab. Narinig ko namang bumuntong hininga si Tom sa kabilang linya bago sumagot.

"Anyway, okay ba sayo yun? Sa Pilipinas na natin gagawin yung kasal?"

Tanong niya ulit. Ah, oo nga pala yung kasal namin ang pinaguusapan namin. We've been engaged for 5 months at plano namin na magpakasal na next month.

"Yes hon. Mas okay nga yun eh para nakapunta lahat ng mga gusto nating iinvite."

Sabi ko. Sa Netherlands ko nakilala si Tom, kasamahan ko siya sa trabaho noon pero lumipat siya nung nagging manager na ako dahil ayaw daw niya na magclash kami dahil sa work.

" Good. Tatawagan ko yung kaibigan ko, si Ronni para ihanap tayo ng wedding planner."

Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako at nagsmile din. Ilang minuto pa kaming nagusap bago siya nagpaalam na papasok na.

After nun eh nakatulog naman ako kaagad dala ng pagod at puyat.

Kinabukasan.

"Anak, tumawag si Tom saakin kanina. Tulog ka pa. Imeet mo daw si Ronnie ngayon. Sinend daw niya sayo yung address."

Sabi ni Mommy saakin pagbaba ko palang ng bahay. Nakaupo na silang lahat sa harap ng dining table para mag-agahan at ako na lang ang inaantay nila.

"Naks. Talagang seryoso na yang kasal na yan ah. Akala ko joke lang nung una eh."

Sabi ni Kuya James saakin. Umupo ako sa tabi niya kasunod ng paghampas ko sa braso niya.

"Kahit kelan talaga kuya, oo. Mag-asawa ka na kasi para hindi ako ang pinagtitripan mo."

Sabi ko sakaniya. Natawa naman sina kuya Jay at kuya John habang kumukuha ng kaniya kaniya nilang pagkain sa mga plato nila.

"Asa ka pa jan. Eh yung huling boyfriend niya eh iniwan din niya."

Sabi ni Kuya Jay. Binatukan naman agad siya ni Kuya James.

"Oh, oh, oh. Kumain muna kayo mamaya na yang asaran niyong yan."

Saway ni Mommy sakanila. Kumuha ako ng pagkain at nagsimula nang kumain.

"Balita ko dito niyo na daw gagawin yung kasal?"

Tanong ni dad saakin habang umiinom ng kape. Sakanilang dalawa ni mommy siya talaga yung very vocal sa pagkagusto niya kay Tom para saakin.

"Yes dad. Napagusapan namin na dito na lang, para naman makaattend lahat."

Sabi ko sakaniya habang inuubos yung pagkain sa plato ko. Tumango lang siya bago nagisip.

"Kelan niyo gaganapin? Wag niyo ng bonggahan. Basta maikasal na kayo at excited na akong magkaapo."

Nakangiting sabi niya. Natawa naman ako dun kasabay ng pangangantyaw ng mga kuya ko saakin.

"Eh dad, bakit hindi itong mga kuya ko ang hingan niyo ng apo."

Biro ko. Binatukan naman ako agad ng Kuya James ko na mukhang hindi natawa sa sinabi ko. He's openly gay at talagang wala siyang planong magasawa ng babae kahit kelan.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now