Oks Lang

271 8 28
                                    

Dos's POV

Nakita ko kaagad si Greg sa harap ng airport pagkapark ko palang sa harap ng arrival area.

"Jaki, wake up. Andito na tayo."

Sabi ko muna kay Jaki. Agad naman siyang nagising at napakurapkurap bago tumingin sa paligid na tila kinikilala yung lugar.

"Airport? Ay oo nga pala. Yung kapatid mo. Asan na ba siya?"

Sabi niya. Napangiti ako. Ang sexy kasi pakinggan ng bedroom voice niya. Ngumuso ako sa lalakeng nakasleeveless na shirt na nasa tapat ng kotse. Alam kong makikilala niya yun. Nanlaki yung mga mata niya.

"Si Greg? Akala ko kapangalan lang niya. Ang liit ng mundo."

Nasabi niya habang nakatingin kay Greg na nagkakanda haba haba na ang leeg kakahanap saamin. Natawa nalang ako.

"Yep. Siya nga. Naikwento ka niya saakin nung nasa Amsterdam kami. Puntahan ko na kuna bago maalis yung ulo niya kakalingon."

Biro ko sabay baba ng kotse. Kumaway ako kay Greg na agad namang lumapit saakin at nakipag-brohug. Tinulungan ko siyang maglagay ng gamit sa trunk.

"Jaki is inside the car, by the way."

Seryosong sabi ko sakaniya. Nagtataka naman siya sa sinabi ko at napakamot ng ulo.

"Did you? I told you not to."

Inis na bulong niya saakin. I looked at him. Naconfuse ako sa sinasabi niya.

"What do you mean? Nakilala ko na yung family ko. It just so happen that my twin brother, well, her husband, asked me na isabay siya."

Mahinang sabi ko sakaniya. Napailing na lang siya at halatang naiinis saakin bago sumakay sa kotse. Napiling na lang ako. Alam kong gusto niya si Jaki pero pareho naman kaming losers dito so why bother?

"Jaki! Kamusta? Sabihin mo saakin kung inaapi ka nitong kuya ko ha."

Sabi ni Greg kay Jaki nung makapasok na ako sa sasakyan. I rolled my eyes. Here we go again.

"Don't mind him, he's being Greg."

Sabi ko bago nagdrive. Natawa lang si Jaki at kumaway kay Greg bago nagring yung phone niya. Tinignan niya yun at napakunot noo bago sinagot.

"Hello?"

Sabi niya. Inaantay ko yung mga susunod na sasabihin niya dahil baka si Vice yun. She gasped and covered her mouth.

"Okay papunta na kami."

She said urgently bago binaba yung call at humarap saakin.

"Nasa hospital daw si Madc, yung friend ko. Dun muna tayo. Tara."

Sabi niya. Halatang kinakabahan. Sinabi niya saakin yung address at agad naman naming pinuntahan sa tulong ni waze.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng ospital at lumapit sa information area para magtanong.

"Room 311 po."

Sabi nung babae dun. Nagmamadali naman si Jaki na naglakad para hanapin yung room at nakasunod naman kami ni Greg sakaniya. Kahit hindi ko kakilala si Madc eh parang kinakabahan na din ako dahil nakikita kong nagaalala si Jaki.

Nahanap namin yung room. Kumatok siya bago sumilip at sumenyas saamin na pumasok na din. Bumungad saamin ang isang babae na nakahiga sa hospital bed at nakasuwero tapos may isa pa na tumayo at yumakap kay Jaki. Nagusap sila saglit na parang mejo nakalimutan nila na andun din kami. Napatingin saakin yung kausap ni Jaki tapos nagaalangang ngumiti habang kunot noong sumulyap kay Jaki. Napatingin saakin si Jaki tapos parang biglang naalala na kasama niya kami.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now