Demons

333 16 38
                                    

Vice's POV

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Jaki papasok ng departure area ng airport habang kasunod ang team Vice reinstated (😂). Papunta kami sa US ngayon. Sinilip ko si Jaki at napangiti ako. Hinalikan ko yung kamay niya at napadampi yung labi ko sa malamig na metal ng engagement ring na binigay ko sakaniya. Napatingin ako dun.

"Excited na akong pakasalan ka."

Bulong ko sakanya out of the blue. Napalingon siya saakin at napangiti kasabay ng bahagyang pamumula ng mga pisngi niya. I chuckled softly bago ulit bumulong.

"Pero mas excited ako sa honeymoon."

Sabi ko. Nanlaki yung mga mata niya kasunod ng malakas na hampas sa braso ko.

"Bastos ka! Viceral! Umayos ka kundi magpapakasal ka sa sarili mo."

Sabi niya sabay irap. Tawang tawa ako lalo dahil mas namula yung pisngi niya sa sinabi ko. Hinila ko siya bahagya para halikan sa gilid ng ulo. Umupo muna kami sa mga upuan malapit sa boarding gate dahil 15 minutes pa daw bago magopen yung gate.

"CR lang ako."

Paalam ni Jaki bago tumayo. Tumayo din ako para samahan sana siya pero sumenyas siya na wag na kaya umupo na lang ulit ako. Nilabas ko na lang yung phone ko at nagcheck ng magandang gawin sa Malibu. Dun kasi kami unang pupunta at free day namin yung unang araw.

Beach side ang Malibu kaya halos water activity lahat ang lumalabas. Surfing na lang kaya?

Ilang minuto pa akong nagbrowse ng net bago dumating si Jaki na kunot na kunot ang noo at titig na titig saakin. Umupo siya sa tabi ko at humarap saakin ng kaunti.

"NagCR ka din ba? Parang nakita kasi kita."

Sabi niya saakin. Binulsa ko yung phone ko bago umiling.

"Hindi ako tumayo dito. Kahit tanong mo pa sila Buern."

Sabi ko sabay nguso sa team Vice na busy sa pagvivideo at pagseselfie. Tumango lang siya pero hindi nawala yung kunot sa noo niya.

"Baka naman namalikmata ka lang? Sa sobrang kainlove-an mo saakin eh nakikita mo ako kung saan saan."

Biro ko sakaniya. She rolled her eyes bago tumawa. Kinuha ko ulit yung kamay niya. Gusto ko talaga na palagi ko yung hawak baka kasi bigla nanamang umalis ng hindi nagpapaalam eh.

Narinig na namin yung announcement na open na yung gate at ready na for boarding kaya tumayo na kami. As usual, sa economy yung team Vice at sa business class naman kami ni Jaki. Mahaba haba ang byahe kaya siguradong magmamaktol nanaman yung mga kasama ko.

"Pero seryoso. Kamukha mo yung lalakeng nakita ko kanina. Pero ngayon na inaalala ko, may stubble siya ng beird at ikaw naman wala. Tsaka unruly yung hair niya parang hindi nagsusuklay, ikaw naman, ayos na ayos. Mas gwapo ka sakaniya."

Sabi ni Jaki. Nasa himpapawid na kami nun papuntang Narita kung saan kami magistop over at magchachange flight. Natawa ako dahil iniisip pa din pala talaga niya yun. Inakbayan ko siya at hinila palapit saakin para yakapin.

"Mas gwapo talaga ako dun for sure. Baka kahawig ko lang yun. Imposibleng may kamukha ako no. Tong mukhang to? Nag-iisa kaya to."

Sabi ko. Natawa naman siya at lumayo saakin ng kaunti para pabirong tignan ako. Hinawakan pa niya yung baba ko tapos pinaside view yung mukha ko na parang sinusuri niya ng masinsinan.

"Tama. Hindi pwedeng may kamukha tong mukhang to. Exotic eh."

Sabi niya sabay tawa. Napapout ako ng lips at kunwari eh nagtatampo na sakaniya. Agad naman niya akong niyakap habang tumatawa pa din.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon