Fate

415 20 4
                                    

Reaper's POV

Kanina ko pa pinapanood si Vice na nakaupo sa vanity chair niya sa loob ng DR niya. Katatapos lang ng pagkahaba haba niyang prod kaya mukhang napagod siya. Naglalakad lakad ako sa loob ng DR niya nung nakita kong pumasok si Jaki.

Napangisi ako. Ano kayang pwede kong gawin sa dalawang to this time? Nakita kong ngumiti si Vice sakaniya kaya naglakad ako palapit kay Jaki.

"Sabihin mo ang pogi niya ngayon."

Bulong ko sa tenga niya. Hindi niya nahalata yun pero ginawa naman niya. Tawang tawa ako sa itsura ni Vice, mukhang kinilig siya at namula pa. May basbas naman ni kulot kaya sige na nga.

"Lapitan mo dali, sabihin mo namiss mo siya."

Bulong ko sabay hagikgik. Nakita kong dahan dahang lumapit si Jaki kay Vice na mukhang nagulat.

"N-namiss kita. Ewan ko. Hindi naman talaga tayo close pero kasi..."

Uutal utal na sabi ni Jaki. Nag-roll lang ako ng mata. Sus naman! Pabebe pa samantalang nagkatikiman naman na kayo dati!

Umupo ako sa vanity chair sa tabi ni Vice at nagdekuwatro. Humarap ako kay Vice. I snapped my fingers para maalala niya ng kaunti yung sa eroplano. Nung una silang nagkita sa buhay na to. Napangiti siya. Oh di ba.

"I know. Sorry talaga ha. Actually hindi lang naman ako sayo...alam mo na. Nagpadala ako masiyado sa sama ng loob ko. Sa sarili ko."

Sabi niya sabay yuko. Naramdaman ko yung lungkot niya. Maiadjust nga yung mood dito nakakadepress.

I know, I know. Reaper ako tagasundo ng kaluluwa dapat sanay na ako sa depressing pero hindi. Tao din naman ako noon. Pero ibang kwento naman yun bahala na si Author kung ikukuwento niya kung pano ako nagging ako.

Binaling ko nanaman yung atensyon ko dun sa dalawa. Lumapit si Jaki kay Vice at pinatong yung kamay niya sa balikat ng huli.

"Ang mahalaga saakin... saamin... eh nagsisimula nang bumalik yun dating Vice."

Nakangiti niyang sabi. Ngumiti din si Vice sakaniya at tumango bago napakunot ang noo.

"Palagay ko hindi na totally babalik yung ako na yun pero pramis, mabubuhay na ulit ako. Hindi na ako zombie."

Sabi ni Vice. I rolled my eyes. Ano bang alam niya sa mga zombies. May kaibigan nga akong zombie dati taga Busan. Pero ibang kwento din yun.

"Mabuti naman no kasi nakakatakot ka kaya. Sana magging masaya ka na ulit gaya noon."

Sabi ni Jaki. Inobserbahan ko yung mukha ni Vice. Mukhang peaceful na talaga siya.

Galing mo kulot!

Sabi ko sa  sarili ko. Tumayo si Vice mula sa vanity chair at yumakap kay Jaki. Gumanti naman ng yakap yung babae. Landeeee! Agad agad! Di manlang tumanggi! Nakangiti lang ako sakanila.

"Salamat ha. Kahit ang sama ko sayo these past few months eh nagawa mo pa din akong patawarin."

Sabi ni Vice. I rolled my eyes. Ngayon niya lang narealize na masama siya sakaniya. Muntik ko na nga siyang sunduin nung minsan dahil sa inis ko sakaniya kung hindi lang ako pinigilan ni kulot.

"Okay lang yun. Naintindihan ko naman talaga na nasaktan ka sa nangyari. Kahit ako man, ganun din."

Sabi ni Jaki sakaniya. Tumango naman si Vice.

"Pauwi ka na ba? Ihahatid sana kita kaso naka-motor ako eh. Unless gusto mong sumakay sa motor ko."

Nakangiting sabi ni Vice kay Jaki. Napahawak nanaman ako sa bulsa ng hoodie ko kung saan nakalagay yung itim na envelope. Umiling ako at nagsnap ng fingers ko.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon