Break My Heart

314 11 35
                                    

Dos's POV

Limang araw.

Limang araw na ang nakakaraan mula nung araw na magkasama kami ni Jaki. Yung kaisa isang araw sa buhay ko na nakaramdam ako ng tunay na kaligayahan. Nung minsang naramdaman ko kung paano magging buo.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatulala at nakamasid sa makukulay na bulaklak na sumasayaw sa saliw ng tugtugin na dala ng hangin.

Nakaupo ako nun sa ilalim ng isang malaking puno na nakatayo sa loob ng estate na binili ng company namin para saakin. Pabagsak akong humiga sa damuhan at pumikit habang tumatakbo si Jaki sa isip ko.

"There you are! I've been looking all over for you."

Sabi ng isang boses. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi na ako nagmulat ng mata. Mula nung nalaman nito na andito ako sa Amsterdam eh agad pumunta dito para daw samahan ako.

"I just want to breathe for a while. Don't you have anything to do? Stop bugging me."

Sabi ko sabay patong ng braso sa noo ko at mulat ng mga mata ko. Bumungad saakin yung mga dahon ng puno na parang sumasayaw din sa hangin habang pasilip silip yung liwanag ng araw.

"I don't and honestly, I just feel sad."

Sabi niya. Napakunot ang noo ko bago ko siya nilingon. Nakamasid siya sa bed of flowers habang pinaglalaruan ng kamay niya yung damo sa may paanan niya. Umupo ako ng maayos. I have a soft spot for this one kahit hindi ko siya totoong kapatid.

"Nalaman ko kasi na nagpakasal na yung girl na nameet ko. I should be happy, pero I just feel sad."

Sabi niya. Napakurapkurap ako. For the first time nagshare siya saakin ng ganitong problema. Inakbayan ko siya at niyugyog ng kaunti yung balikat niya.

"Oh, Greg. Madami pa namang iba jan. If she's married then maybe she's not the one for you."

Sabi ko. Naramdaman kong bumuntong hininga siya tapos lumingon saakin at tumango kaunti bago natawa.

"You know what, antagal na natin hindi nagkita. Looking at you right now makes me want to punch you. You look like the guy."

Sabi niya habang tatawa tawa. Nagulat naman ako sa sinabi niya at lalong nangunot ang noo ko kasabay ng momentarily shock na nasundan kaagad ng kaba. I gathered strength and asked.

"Who is this girl by the way?"

I said. My voice breaking. All the while na nagaantay ako ng sagot niya eh hindi ako humihinga. Kumakabog yung puso ko sa dibdib ko. Nilabas niya yung phone niya tapos may iniscan bago yun pinakita saakin.

Napalayo ako sakaniya at nahablot ko yung phone mula sa kamay niya. Nagulat naman siya pero hindi ko muna siya pinansin. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa article na pinakita niya.

Ate Girl Jaki and Vice tied the knot in New York.

That was the headline. Tinignan ko yung letrato. It was her. Jaki.

Nakaputing dress at may hawak na bouquet ng pink roses. She looks radiant and genuinely happy at sa tabi niya, none other than my twin brother who doesn't know me. He is wearing a classic tuxedo while smiling and looking at her. I gripped the phone tightly in my hand.

"Why is it so sudden? Just last week she said..."

Sabi ko sabay tayo. My emotion went into an overdrive. I felt like I just want to punch something. Napagbalingan ko yung puno sa likod ko. I punched it so hard but I was the one na nasaktan.

PUSO Book 3: Huling YugtoOnde histórias criam vida. Descubra agora