Choked

352 14 8
                                    

Mr. T's POV

Nakatayo ako sa gitna ng studio habang nagpeperform si Ana kasama ang banda ni Yael. She was so distraught when he passed to the point na ayaw niya itong pakawalan.

Sinikap niyang buoin pa din yung banda nila at siya na din ang nagging vocalist nila, sabi niya to keep his legacy alive pero ang totoo eh ayaw niya lang mag-isa.

Humalukipkip ako habang nakatitig sakaniya na kumakanta ng buong puso.

Her favorite song.

Everglow.

A dedication to her love.

"Ana. Ana. Ana. He's right in front of you."

Bulong ko sabay pitik ng daliri ko dahilan para mapasulyap si Ana sa lalakeng nakatayo sa harap niya. Napabuntong hininga ako nung mahagip ng mata ko si Jaki sa kabilang side ng studio. Tumutulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Sorry, Jaki. Kung pwede lang talaga."

Bulong ko habang sinusundan ng tingin si Jaki na ngayon ay tahimik ng umalis papunta sa kung saan.

"Pst! Mr. T! Ano na?"

Tanong saakin ng babaeng nakahood na katabi ko. Nilingon ko siya at inirapan. Bakit ba saakin palagi natatapat tong mga reaper na sakit sa ulo.

"Anong ano na? Nagtatrabaho ako."

Inis na sabi ko sakaniya bago ko binalik ang atensyon ko kay Ana. Ito ang mahirap sa trabaho ko. Nakasalalay din sakanila yung pagbalik ko sa mundo.

"Bakit ba parang ang bigat sa loob mo na tupadin yung tadhana niyang mga yan?"

Sabi ni Alex saakin. Napabuntong hininga lang ako bago sumagot.

"Masyadong mapagbigay tong babaeng to eh. Masyado niyang mahal yung lalakeng yun. To the point na gusto niyang i-give up yung tadhana nila para sakaniya."

Sabi ko sabay nguso kay Ana na ngayon ay nakangiti na habang iniinterview ng mga host ng show. Bumuntong hininga ulit ako bago ako ng snap ng daliri ko at napunta sa kinaroroonan ni Jaki.

Nagtinginan kami ni Alex nung mapunta kami sa loob ng CR kung saan nmhumahagulgol si Jaki. Nanlumo ako dahil naawa ako sakaniya pero ano bang magagawa ko?

"Susunduin ko na ba yan? Parang nanghihingi na ng black envelope kung makaiyak eh."

Sabi ni Alex. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halatang wala pa siyang alam sa sitwasyon ni Jaki at Vice and I want to keep it that way.

"Siraulong to. Umalis ka na nga muna wala ka ba susunduin!?"

Inis na inis kong sabi sakaniya. Nagkibit balikat muna siya bago biglang nawala. Napailing ako. Sa una talaga manhid sila eh pero pag naattach na sa mga nabubuhay biglang nagging marupok.

Napaisip ako habang pinapakinggan si Jaki na humahagulgol. Nagsnap ako ng daliri at kasunod nun eh bumukas ang pintuan ng CR at pumasok si Ana.

-------------------

Ana's POV

Nagmamadali akong pumasok sa CR after ng prod namin dahil nakita ko ulit yung lalakeng palagi kong nakikita kung saan saan. Nung una sa airport tapos sa Korea ngayon naman dito.

"My gosh. Para kang multo na parating sumusulpot."

Bulong ko sabay bukas ng faucet at hugas ng kamay. Napahinto ako nung marinig na may umiiyak.

Kinabahan ako. Multo ba yun? Isa isa kong binuksan yung mga cubicle hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. Idinikit ko sa pinto yung tenga ko at narinig ko na dun nanggagaling yung umiiyak.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now