Ad Astra

430 17 5
                                    

The stars do not lie,
Let go before you can fly.
Leave behind what hurts,
Bury them in the dirt.

------------

Vice's POV

Namumuti na yung mga kamay ko sa higpit ng hawak ko sa manibela habang nagmamaneho ako papunta sa condo nila Jaki. Dumaan na lang ako sa mall malapit sa Fully Booked para bumili ng damit. Naka-white shirt lang ako sa loob ng pastel pink na cotton polo at khaki na shorts.

Hindi maalis sa isip ko yung babae na tinuro ni Billy kanina pero pinilit ko pa ding alisin siya sa isip ko.

"Vice, hindi siya si K at hindi siya magging si K. Kay Jaki ka na lang magfocus. Siya yung totoo."

Bulong ko sa sarili ko habang papaliko sa parking area ng condo nila Jaki. Kinuha ko muna yung bouquet ng pink ecuadorian mula sa back seat bago ako tuluyang bumaba para puntahan si Jaki.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng condo nila. Ilang minuto pa ay pinagbuksan na ako ni Jaki na nakasuot ng simpleng yellow casual dress na cotton. Nakalugay yung buhok niya. Saglit akong natulala sa ganda ng babaeng nasa harap ko lalo pang kumabog yung puso ko nung nginitian niya ako. Lahat ng gumugulo sa isip ko ay biglang nawala na parang bula.

"H-hi. For you."

Nauutal na sabi ko sakaniya bago ko inabot yung dala kong bulaklak na tinanggap naman niya. Ngumiti ulit siya at binuksan ng mas malaki yung pintuan para papasukin ako.

"Kunin ko lang yung bag ko. Thanks sa flowers ha."

Sabi niya bago pumasok ulit. Sinundan ko siya at umupo muna ako sa sofa. Napansin kong walang tao dun bukod saamin. Lumitaw siya sa may pintuan ng kwarto bago marahang isinara ang pintuan nun.

"Tara?"

Sabi niya. Tumango lang ako bago kinuha ang kamay niya.

Mejo magaba ang biyahe kaya naman nagkwentuhan muna kami. Nasa rehearsal pala sila Madc at hindi na siya pumunta. Nakwento niya din saakin yung mga experiences niya habang lumalaki sa Netherlands.

"Mababait naman yung mga taga dun. Pero minsan talaga hindi mo din maiwasan na may magddiscriminate. Lalo na pag mas magaling ka sakanila."

Kwento niya habang nakatingin saakin. Nasa likod kami nun ng van ko at magkaharap habang nagkwekwentuhan. Tumango lang ako.

"Ganun siguro talaga no? Nakakalungkot man. Sa work mo, nakaranas ka na ba ng ganun?"

Tanong ko sakaniya. Napaisip siya saglit bago tumango.

"Oo. Lalo na nung napromote ako, may isang babae na local na talagang grabe mambully saakin. Mabuti nalang mabait yung chef dun, pinagtatanggol niya ako."

Sabi niya. Kumunot naman yung noo ko bago ko siya tinignan.

"Baka naman type ka nun?"

Sabi ko. Natawa siya na parang ang laking joke ng sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"No. Impossible. May-asawa na yun eh. Lalake din."

Sabi niya. Napatango na lang ako pero hindi pa din nawawala sa isip ko yung sinabi niya. Gusto ko sanang ikwento sakaniya yung nangyari kanina pero pinigilan ko na lang dahil baka masira lang yung gabi namin pareho.

Madami pa kami napagkwentuhan bago kami nakarating sa resort.

Inalalayan ko siya papasok sa resort, iginuide kami ng isang staff na sumalubong saamin kanina papunta sa beach kung saan nakaset up ang table for two na nirequest ko. Napakaraming kandila sa paligid na nagsisilbing ilaw namin at may apat na tiki torch din sa malapit sa table namin.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now