Sorry Seems To Be....

433 20 4
                                    

Jaki's POV

Tapos nanaman ang Showtime. Tapos nanaman yung kaisa isang dahilan para kausapin ako ni Vice. Mula nung namatay si ate K, nagbago siya. Hindi lang saakin kundi sa lahat ng tao. Inalis nga niya pati mga stylist niya eh. Ayaw niya ng tao sa DR niya bukod kay Kuya Vhong at kay direk na minsan eh halos ayaw pa niya.

"Jaki! Nakikinig ka ba? Lutang ka nanaman."

Si Madc yun na nagaayos na ng gamit habang ako eh nakaupo lang sa sofa at isa isang inaayos yung mga gamit ko sa bag. Umupo si Madc sa tabi ko at tumitig saakin habang pailing iling.

"Jaki, si Kuya Vice pa din ba? Wala na ata pag-asa yun eh."

Sabi ni Madc saakin. Tumingin ako sakaniya tapos ngumiti at marahang umiling.

"Kanina, saglit kong nakita yung totoong emosyon niya. Nasasaktan pa din siya, bes. Nakita ko yun sa mga mata niya kahit agad ding napalitan ng coldness. Sinukuan na nga siya ng mundo, pati ba naman ako?"

Makahulugang sabi ko sakaniya. Napailing na lang ulit siya sa sinabi ko. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit daw umaasa pa ako kay Vice.

"Bes, nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo nung pumunta tayo sa funeral ng asawa niya? He singled you out. Na parang ikaw ang pumatay sa mag-ina niya."

Pagpapaalala niya saakin. Napangiwi ako sa memory na yun. Paano ko naman makakalimutan?

Flashback...

Katulad ng request daw noon ng asawa ay napagdesisyunan ni Vice na closed casket ang lamay at 4 days lang. Pumutok sa lahat ng platform na ni minsan ay hindi pumunta si Vice sa lamay at walang nakakaalam kung pupunta siya sa funeral nung araw na yun.

"Jaki, tara na. Anjan na si Ronnie, sabay na daw tayo sakaniya."

Sabi ni Madc na noon ay nakablack na dress. Papunta kami nun sa funeral service ni Ate K. Nagpapowder na ako nun. Naka-simpleng black hoodie lang ako at black na jeans tsaka white na rubber shoes.

"Sige, tara na. Asan na ba si Melvie?"

Tanong ko kasunod naman nun eh biglang lumitaw si Melvie mula sa CR. Naka-white siya na blouse at black na jeans. Humarap siya saglit sa vanity mirror at nag nagayos ng buhok.

Kasabay namin si na Ronnie at Nikko papunta sa cemetery kung saan gaganapin ang funeral service. Agad naming nakita na kumpleto ang mga host ng showtime dun at yung ibang kasama naming mga dancers kaya lumapit na din kami. May hawak silang tig iisang puting rose at inabutan din kami nung makita nila na palapit na kami.

Nakita ko si Vice na nakatayo sa kabilang side ng casket. Naka-black na shades, black na polo shirt, black na jeans at black din na sneakers. May hawak siyang isang puting rose gaya ng iba pero may kung ano siyang hawak sa kanan niyang kamay. Nakakuyumos yun. Napansin kong napagawi saakin yung tingin niya, alam ko kahit dark na dark yung shades niya. I smiled sympathetically pero bigla siyang napatiim bagang at namula sa galit.

"Jaki. Leave. Now."

Malakas na sabi niya kaya napatingin silang lahat sakaniya at saakin. Halos matunaw ako sa hiya sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw at nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

"Bingin ka ba! I said leave! Ano bang ginagawa mo dito!?"

Hysterical na sabi niya. Nagtinginan ulit lahat ng tao dun kaya hinila na lang ako ni Madc palayo para hindi na magkagulo pa. Umiiyak ako habang naglalakad kami papalayo doon.

"Anong problema nun. Nakikiramay lang ang tao."

Inis na bulong ni Madc. Tinignan ko siya ng makahulugan nung makarating na kami sa may parking.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now