Cupid

349 16 6
                                    

Vice's POV

Wasted again.

Susuray suray akong pumasok ng kwarto ko pagdating ko sa condo. I checked the time pero sa sobrang hilo ko eh hindi ko yun maintindihan. Ibinagsak ko na lang yung katawan ko sa kama at ilang minuto lang eh nakatulog na ako.

Nagising ako kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Napasapo ako sa ulo ko bago ako bumalikwas ng bangon mula sa kama.

"Urrrggghhh! Hindi na ako iinom ulit. Pramis!"

I groaned. Siguro sa sampung araw na walang Jaki sa buhay ko eh yun yung araw araw na mantra ko na nakakalimutan ko din naman tuwing gabi. I looked around the my room. Bawat sulok nun parang buhay ko ngayon. Magulo, makalat at hindi ko maintindihan.

Tumayo ako para maligo dahil nanlalagkit na ako.

Pag-labas ko ng kwarto ay inabutan kong nagwawala yung ringtone ng phone ko. Wala sa mood akong naglakad papunt sa side table para tignan yung caller.

"Haaayyy! Jusko. Nakakatamad."

Sabi ko nung makitang si direk yung tumatawag. Ilang segundo ko pang tinitigan yung pangalan ni direk bago ko sinagot.

"Direk! On the way na!"

Agad kong sabi sabay baba ng phone. Alam ko namang tatanungin niya lang kung asan na ako. Tinignan ko yung orasa. 11:30am na, kaya pala nagpapanic na siya. Bumuntong hininga ako bago nagsimulang magbihis.

I dressed based on my mood.

My mood is always gloom these days kaya naman naka-all black ako.

"Vice!! Nagsimula na! Late ka nanaman."

Salubong saakin ni direk habang papasok ako ng studio. I juat shruged at tumayo sa dulo ng studio at inantay na matapos yung opening song bago ako umakyat sa stage kasabay ng ibang host.

Agad akong inakbayan ni Vhong bago nag-opening spiel.

"Wasted ka nanaman kagabi."

Bulong niya saakin pagkatapos naming magopening. Nagkibit balikat lang ako at sinikap kong magmukhang masaya sa harap ng madlang pipol buong araw.


"Nakakadrain na talaga. Na magpanggap na masaya."

Sabi ko kay Vhong habang nasa loob kami ng DR namin pagkatapos ng showtime.

"Hindi pa din ba kayo nakapagusap ni Jaki? Alam mo n ba kung asan siya?"

Sabi niya saakin habang seryoso siyang nakatingin saakin. Pumikit ako at sumandal sa upuan ko bago ako sumagot.

"Hindi pa at wala pa. Hindi ko mahahanap ang isang taong ayaw naman magpakita talaga."

Sabi ko. Nung mga unang araw after niya umalis ay sinubukan ko siyang hanapin. Tinanong ko sila Madc kung alam nila kung nasan si Jaki pero ayaw nilang sabihin saakin. Sinubukan kong tumawag sakaniya pero out of coverage palagi. I tried DM, PM at lahat na ng may M pero walang kahit isang reply. Iniistalk ko araw araw yung social media accounts niya pero wala pa din akong napapala.

"Ang masaklap pa dun, iniwan niya ako na walang alam at malinaw na dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay."

Sabi ko. Nung una nasasaktan ako pero nitong mga nakaraan eh mas naiinis na ako sa ginawa niya.

"Wala ka ba talagang alam na dahilan?"

Tanong ni Vhong saakin. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha yung black na coat ko bago sumagot.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now