For The First Time

435 19 3
                                    

Vice's POV

After ng showtime ay nag-aya sina Billy na mag boy's night out daw kami. May hinanda daw silang stag party para saakin at ipinagpaalam na din daw nila ako kay K.

"Teka, saan niyo naman ako balak dalhin. Ayoko ng kalokohan ha. Naku sinasabi ko sainyo."

Nagbibirong sabi ko kay Vhong habang nakasakay kaming lahat sa van ko. Kanina pa nila ayaw sabihin saakin kung saan kami pupunta dahil maispoil daw yung fun.

"Pramis. Magrelax ka lang jan."

Sabi naman ni Billy saakin. Inirapan ko siya bago ko binaling ang antensyon ko sa phone ko. Nagopen ako ng IG at nakita kong may post na picture si Anne kasama si K at iba pang girls.

"Teka, bakit magkakasama din tong mga to?"

Sabi ko kay Vhong sabay pakita sakaniya ng picture. Ngumisi lang siya saakin.

"Alangan namang ikaw lang ang may stag party? Siyempre siya din may bridal shower."

Sabi ni Vhong. Naramdaman kong huminto yung van kasunod ng pagbukas ng pintuan namin. Agad akong hinawakan ni Vhong sa magkabilang kamay tapos piniringan ni Billy.

"Hoy!! Mga sira ulong mga to!"

Sigaw ko habang kumakawala sakanila pero dahil dalawa sila eh napagod lang ako sa pagpupumiglas ko. Naramdaman kong pumasok kami sa isang pintuan at sinalubong kami ng malakas na music.

Inalis ni Billy yung takip sa mata ko at dahan dahang nagadjust yung mata ko sa lightings.

Nilibot ko sa paligid yung mata ko. Nasa isang private lounge kami at may maliit na stage sa gitna kung saan may isang malaking box. Nagpatugtog ng sexy song yung DJ at biglang may lumabas sa box na babaeng naka-itim na mask at itim din na leather na two piece.

In fairness sexy siya. Sumayaw siya gitna habang nagkakantyawan yung mga kasama ko. Naglagay si Billy ng upuan sa likod ko at lumapit saakin yung dancer tapos tinulak ako paupo sa upuan bago bumalik sa maliit na stage. Hindi ko alam kung paanong nagging dalawa na yung dancers pero maya maya pa eh lumapit na saakin yung isa pa. Naka-pula siyang full faced na mask at mata niya lang ang nakikita ko.

Nakatitig siya sa mga mata ko habang sumasayaw sa harap ko.

Parang pamilyar saakin yung mga matang yun. Hinahalughog ko kung saan ko nakita at kung kaninong mga mata yun. Those eyes bored deep into mine at wala akong ibang nakikita kundi yung mga matang yun.

Maya maya pa ay nasa stage na sila pareho at sumasayaw na ng Bboom Bboom na nagpapalakpak naman sa mga kasama ko, sila Billy eh nakisayaw pa nga.

"Saan niyo naman napagkukuha yung mga dancers na yun?"

Tanong ko kina Vhong habang nakaupo kami sa couch at umiinom na. Hindi ko na ulit nakita yung mga dancers after nila magexit. Nagtinginan naman si Vhong at Billy bago nagapir sa harap ko.

"Showtime dancer yung isa dun tapos kaibigan daw niya yung isa. Bakit brad? Gusto mo ba itake out?"

Pilyong biro ni Billy kasunod ng tawanan ng mga kasama namin. Binatukan ko kaagad si Bilky sa sinabi niya.

"Siraulong to. Papatayin ako ng misis ko sayo."

Sabi ko sabay tungga ng beer. Natawa nanaman sila sa sinabi ko.

"Wow! Lakas naman nung misis brad. Talagang feel na feel mo na ha."

Biro ni Jhong na nasa tabi ni Vhong. Sumeryoso naman si Billy sa tabi ko.

"Biro lang beshy. Ikaw naman. Pero on a serious note bestfriend, I am so happy for you."

Seryosong sabi niya saakin. Inirapan ko siya pero ngumiti din ako after.

PUSO Book 3: Huling YugtoOnde histórias criam vida. Descubra agora