Wonderwall

303 20 17
                                    

Jaki's POV

Palinga linga ako habang tinutulak ko yung trolley papalabas ng airport. Sabi kasi saakin ni Madc ay nandun na siya pero hindi ko siya mahagilap.

"Nakita mo na ba yung friend mo?"

Tanong sakin ni Greg na kasunod ko lang din. Nilingon ko siya. Ano bang nakita saakin nitong lalakeng to at ayaw akong tigilan. Nung sinabi kong babalik na ako ng Pilipinas eh agad din nagempake para masamahan ako. Moral support daw, parang sira.

"Not yet. Pero sabi niya andito na daw siya eh."

Sabi ko habang halos magkanda haba haba na ang leeg ko kakahanap kay Madc.

"Jaki!! Bebe!"

Narinig kong sigaw ni Madc kaya agad kong hinanap kung saan galing yun, nakita ko naman siya kaagad dahil kumakaway na siya at tumatalon talon. Natawa ako. Napakasupportive talaga nitong kaibigan kong to. Nilingon ko si Greg at nginisian.

"That's her. Kita mo na, hindi naman ako nagkukulang sa moral support dito."

Sabi ko bago ako dali daling naglakad papalapit kay Madc na agad yumakap saakin.

"Hala! Namiss kita bes!!"

Halos pasigaw niyang sabi bago ako pinakawalan.

"Namiss din kita. Ay! Si Greg nga pala, friend ko."

Sabi ko. Tinaasan ako ni Madc ng kilay bago bumaling kay Greg.

"Hi, Greg. Madc."

Sabi niya sabay abot ng kamay dito na kinamayan naman nung isa habang ngiting ngiti.

"Grabe, Jaki. Marupok ka talaga. Isang buwan palang kaying break ni Kuya Vice pero..."

Bulong saakin ni Madc sabay nguso kay Greg habang naglalakad kami palabas ng airport. Pinandilatan ko siya ng mata bago ko nilingon si Greg kasi baka narinig niya.

"Huy! Hindi no. Alam mo namang loyal ako kay Vice kahit ganun yung kabayong yun."

Bulong ko din. Biglang pumasok sa isip ko si Vice. Matutuwa kaya siya pag nakita ulit ako? Haay.

"Sus! Ewan ko lang kung magging loyal ka pa pag nalaman mo yung usap usapan ngayon."

Sabi Madc sabay irap at bukas ng compartment ng kotse para mailagay dun yung mga maleta namin. Napakunot naman ako ng noo bago sumakay sa passenger's side.

"Anong usap usapan?"

Tanong ko nung makasakay na sila pareho at makaalis na kami. Sinilip muna ni Madc si Greg sa rearview mirror bago makahulugang tumingin saakin. Tumango lang ako.

"Alam niya. Tsismoso yan eh."

Sabi ko sabay tawa at tingin kay Greg. Napakunot noo naman siya naparang nagtataka kung ano ang pinaguusapan namin kaya lalo akong natawa.

"What?"

Sabi niya pa. Umiling lang ako habang nagpipigil ng tawa.

"I told her na alam mo yung about me and Vice."

Sabi ko. Napatango naman siya at nag-adjust pa ng upo para makalapit sa amin. Tinignan ko si Madc na natatawa na din.

"Tsismoso nga. Anyway, usap usapan lang kasi lately na parang nagging masyadong close si Vice sa band na prinoduce niya. Lalo na dun sa vocalist, si Ana."

Umpisa palang pero parang ayoko nang marinig yung kabuoan ng kwento. Napalunok ako bago ko itinuon sa kalsada yung tingin ko. Maagang maaga pa kaya wala pa masyadong sasakyan.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now