Clarity

401 14 6
                                    

Vice's POV

Hindi ako mapakali sa DR ko at kanina pa ako palipat lipat ng vanity chair na parang hinahanap ko kung saan ako magiging comfortable.

"Bays! Ano ba, nahihilo na ako sayo. Ano bang problema?"

Tanong ni Vhong saakin na nakaupo sa sofa at kanina pa ako pinapanood. Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya sa sofa.

"Tang ina kasi brad! Si Jaki, nakita ko kahapon. Dancer siya dito?"

Kabadong sabi ko kay Vhong. Napatikhim siya ng kaunti na parang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Nilingon ko siya, halos hindi siya makatingin saakin.

"Alam mo?! Kelan pa!??"

Malakas na tanong ko sakaniya. Nagkibit balikat lang siya saakin bago niya ako tinignan.

"Nalaman ko nung mag iisang buwan na siyang dancer dito. Nasa Paris kayo nun ni K, para sa honeymoon niyo. Isa pa, akala ko ba wala na yun? Sabi mo di ba? Bago kayo kinasal nun ni K sabi mo saakin wala na?"

Mahabang tanong niya saakin. Napasapo na lang ako sa ulo ko bago nagsalita.

"Oo. Wala na nun pero bigla siyang sumulpot. Out of nowhere, ngayon pa talaga. Kailangan kong umiwas, brad."

Tortured na sabi ko sakaniya. Ang bigat sa pakiramdam na parang niloloko ko si K kahit wala naman kaming ginagawa. Just by looking at Jaki, pakiramdam ko nagkakasala ako sa asawa ko.

"Bakit, brad? May gusto ka ba sakaniya? Kasi hindi ka magkakaganyan kung wala."

Seryosong sabi niya saakin. Natahimik ako. Sa tinagal naming di nagkita, nakayanan kong ideny yun sa sarili ko pero nung nakita ko ulit siya, nagkagulo nanaman yung isip at puso ko.

Sasagot na sana ako nung biglang sumilip si K mula sa pintuan ng DR namin. Agad akong napatayo at lumapit sakaniya.

"Kurba, Bakit?"

Nagaalalang tanong ko. She just weakly smiled at me. Kanina pang umaga masama pakiramdam niya, morning sickness pero pinilit niya pa din na pumasok. Inalalayan ko siya papasok.

"Mauuna na ako umuwi. Masama talaga pakiramdam ko."

Paalam niya. Namumutla siya at halatang masama talaga ang pakiramdam. Agad ko namang kinuha lahat ng gamit ko at inalalayan siya palabas ng DR.

"Saan ka pupunta? Stay."

Sabi niya sabay pigil saakin. Umiling lang ako at kinuha yung kamay niya bago hinalikan yun.

"No. Sasamahan kita. Halika na para makapagrest ka."

Sabi ko sakaniya. Mukhang wala na siyang energy para tumanggi kaya naglakad na kami sa hallway palabas ng studio. Nasa may exit na kami nung makasalubong namin sina Madc. Agad napunta kay Jaki yung tingin ko. Naka-hoodie siya na dilaw at sweat pants na black. Maayos din na nakapusod yung buhok niya. Napakurap ako bago biglang nagbawi ng tingin. Humigpit yung hawak ko sa kamay ni K nung malampasan namin siya.

Naramdaman kong napatingin saakin yung asawa ko pero hindi ko na lang siya nilingon. Nakatulog siya buong biyahe namin pauwi habang gising ako at iniisip si Jaki.

Pagdating namin sa bahay eh agad dumeretso si K sa kwarto at nahiga. Tumabi naman ako sakaniya.

"Si Jaki ba yung nasalubong natin kanina? Kasama nung isang dancer na naka-sama natin sa bar before?"

Tanong ni K saakin habang nakapikit at nakasubsob sa dibdib ko. Nilalaro ko yung buhok niya habang nakatitig ako sa kisame.

"I think so. Bakit?"

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now