Tonight

460 17 9
                                    

Jaki's POV

Maaga kaming pinatawag sa studio para sa rehearsals kaya hindi na ako nakapagtext kay Vice. Hindi naman din siya nagtext kaya baka tulog pa yun.

"Jaki, wala ka atang pabulaklak ngayon ah?"

Sabi ni Madc saakin habang nagbibihis kami sa loob ng DR, katatapos lang naming nagrehearse nun. Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Grabe ka. Kailangan ba araw araw?"

Sabi ko sabay tawa. Humarap na lang ako sa salamin at nagsimula nang mag-make up. Chineck ko muna yung phone ko pero wala pa ding text yung lalakeng yun. Mejo naiinis na ako pero hinayaan ko na lang.

"Tara na, magoopening na daw."

Hila saakin ni Madc. Lumabas ako kasabay nila, baka late nanaman yung Vice na yun. Pailing iling kong sabi sa sarili ko. Pagkatapos magpasweet sweet, biglang MIA.

Pagpasok ko ng studio eh nahagip kaagad ng mata ko si Vice na nakatayo sa gilid at nakikipagharutan kay Ate Anne. Nakasuot siya ng kulay pulang hoodie at maong na tattered shorts. Ni hindi manlang ako tinignan.

"Ahh, ganun ha."

Bulong ko sa sarili ko. Napairap nalang ako sakaniya bago pumunta sa puwesto namin sa may stage. Natapos ang opening nang hindi manlang niya ako tinitignan.

Nakabusangot akong bumalik sa loob ng DR namin.

-------------
Vice's POV

Sinadya ko talagang wag tignan si Jaki buong opening. Hindi ko din siya tinext pagkagising ko dahil nagtatampo pa din ako.

Napansin ko namang naiinis na siya saakin kaya mejo kinabahan na ako. Baka lumala lang ito.

"Huy! Linya mo na!"

Biro ni Vhong saakin sabay tapik pa sa braso ko. Napatingin lang ako sakaniya dahil wala talaga ako sa sarili ko at hindi ko din alam kung anong pinaguusapan nila. Natawa na lang ako kunwari.

"Ano nga yung pinaguusapan natin?"

Suko ko nung talagang hindi ko maintindihan kung ano na ba ang nangyayari. Iiling iling lang si Vhong sabay turo sa spiel board tapos tawa. Binasa ko na lang yung andun tapos nakisali na lang din sa tawanan.

Hinahanap ng mata ko si Jaki pero mukhang nasa loob pa sila ng DR. Tinuloy ko na lang yung segment at agad na bumalik sa DR ko after. Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko at nagmamadaling umalis para sana bumili ng bulaklak pero paglabas ko eh agad na bumungad saakin si Jaki. Nakahalukipkip siya habang nakatayo sa harap ng pintuan ko.

"J-Jaki, anong ginagawa mo dito?"

Gulat na tanong ko sakaniya. Tinaasan niya ako ng kilay bago hilain sa loob ng DR.

"Ay! Jaki ha, aggressive! Hindi pa ako ready!"

Sabi ko sakaniya sabay takip sa dibdib ko. She just rolled her eyes at me bago ngumiti. Napangiti din ako, pero nagbawi din ako kaagad dahil naalala kong nagtatampo pala ako.

"Anong paandar mo today? Wala manlang good morning text?"

Sabi niya saakin. I fake smirked. Ngayong kaharap ko siya biglang nakalimutan ko na kung bakit ako nagtatampo sakaniya. Tumalikod ako sakaniya para hindi niya mahalata na nangingiti na ako.

"Wow. Needy much? Kailangan ba?"

Pilit kong pinawala ang emosyon ko. Hindi siya sumagot kaagad kaya nilingon ko na siya. Napalunok ako sa nakitakonh expression ng mukha niya. Seryosong nakatitig siya saakin at nakahalukipkip.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now