Giving Up

296 7 3
                                    

Jaki's POV

Tahimik kaming bumabyahe ni Dos pabalik ng Maynila dahil iniwanan ako ng magaling kong asawa para sa isang emergency na hindi naman niya maipaliwanag kung ano.

Nagulat nalang ako kanina nung lumabas siya ng bahay na nagmamadali at parang takot na tako. Umalis siya pagkatapos niya akong tapunan ng kaunting tingin at halikan sa noo without even saying goodbye.

Tumawag na lang siya to tell me na may emergency at isasabay na lang ako ni Dos.
Dos, of all people? Natulog lang ako tapos okay na sila? Biglang bestfriends na sila?

"Jaki, just tell me kung nagugutom ka na ha? Para makahinto tayo. Baka kasi buntis ka, ganun."

Sabi ni Dos habang nagdadrive. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya bago ko siya nahampas. Manang mana sa Kuya, mejo bastos. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero napangiti na lang.

"Ano ako si Virgin Mary. Baliw."

Sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana. Ang alam ko dati pag kasal na may mga bagay na ginagawa sa gabi. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko kaya mejo yumuko ako.

"Parang sira to si Jaki, malamang may asawa ka naman. Don't tell me?"

Makahulugang tanong ni Dos saakin na nagpailing saakin. Nung kasal namin, concert niya pagkatapos kaya pareho kaming pagod na pagod. Pero yung mga sumunod na araw?

Ewan ko pero parang iniiwasan niya yun. Eveytime na mapupunta kami sa sitwasyon na yun, palagi siyang humuhinto at sinasabi na pagod daw siya. I laughed bitterly.

"Yung kuya mo parang hindi pa ready eh."

Sabi ko. Natahimik si Dos kaya nilingon ko siya.
Magkamukha sila ni Vice sa bawat anggulo pero magkaibang magkaiba silang dalawa. Tinaas ko yung kamay ko akmang hahaplusin yung mukha niya pero pinigil ko ang sarili ko. Ayokong magkaroon siya ng hope saaming dalawa.

Alam kong merong iba sa nararamdaman ko para sakaniya pero habang maaga pa ay kailangan ko na yung patayin. Napansin niya yung ginawa ko kaya napasulyap siya saakin at napakunot ng noo.

"What is it? May dumi ba ako sa mukha?"

Sabi niya sabay punas sa mukha niya. Natawa lang ako. Nagpatubo nanaman siya ng stubble kaya mukha nanaman siyang rough and rugged pero ang totoo softy naman.

"May lamok kasi pero lumipad na bago ko pa mapatay."

Sabi ko. Huminga siya ng malalim bago hinimas ang pisngi niya.

"Buti naman, kung hindi nasampal ako ng wala sa oras."

Natatawa niyang sabi. Napangiti ako. Yung mga gantong moments kasama si Dos, parang nagging saving grace ko. Vice would always push me off the edge but Dos? Ewan ko, sandali palang kami magkakilala pero twice niya na akong sinave sa kalungkutan na dala nung isa. Para silang yin and yang.

"Pasalamat ka talaga at lumipad na. Sa kapal ata ng mukha mo eh nawalan na siya ng tyaga."

Biro ko sabay tawa sa nakita kong expression ng mukha niya. Nagmake face siya saakin na kinagulat ko at kinatawa.

"I didn't know you are capable of making a face,. Mr. Serious face."

Biro ko sakaniya. Humagalpak siya ng tawa bago nagmake face ulit saakin.

"I'm basically a pro at making faces. I have an entire wall of medals and trophies for making faces."

Nakangiti niyang sabi. Natawa ako bago ko naisipan na buksan yung radyo. Unang kanta pa lang pero nakikipagsabayan na siya sa singer.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now