Separate Lives

517 15 7
                                    

Vice POV

"You look so tired."

Sabi ni K saakin habang minamasahe yung mga balikat ko. Napapikit ako sa sarap ng ginagawa niya parang unti unting naaalis yung tensyon sa katawan ko.

Kadarating namin nun sa bahay ko at nakaupo ako sa sofa habang sina Bonita naman ay nasa taas na at nagpapahinga.

"I am tired. Grabeng OA sa dami ng tao sa concert. Napa-extend pa ako ng kaunti."

I said in a very raspy voice. Alam kong napansin kaagad ni K na malapit na akong mapaos.

That's K, palaging one step ahead of me sa lahat ng bagay. Palagi niya akong inaalagaan at madalas tama siya sa halos lahat ng bagay.

"You should rest na. Umakyat ka na muna sa kwarto mo while I'm cooking."

Sabi niya sabay hinto sa ginagawa niya sa balikat ko. Binuksan ko yung mga mata ko habang nakatingala sakaniya. Napa-smile na lang ako.

"Thank you kurba."

Nakangiti kong sabi sakaniya. Kinulong niya sa mga palad niya yung mukha ko bago mabilis na hinalikan ako sa noo.

"Tayo na. Dali na."

Sabi niya bago naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin. Naka itim lang siyang crop top at maiksing demin shorts at sneakers. Perfect ang hubog ng katawan niya katulad niya.

Napangiti nanaman ako. Halos dalawang taon na kaming ganito. Walang 'KAMI' pero parang kami. Walang commitment pero may mga 'i love you' at may mga halik. Napailing na lang ako.

"Hay. Makapagpahinga na nga lang."

Mahina kong sabi bago ako umakyat sa kwarto. Pag pasok ko sa kwarto ko ay agad kong hinubad yung suot kong damit at dumeretso sa CR para mag shower.

Nakaginhawa ako after magshower kaya kahit nakaboxers lang eh nakatulog ako kaagad paglapat pa lang ng likod ko sa kama.

Agad akong nakatulog at nanaginip.

Sa panaginip ko eh nasa disneyland ako. Gabi ata pero hindi ako sigurado. May mga fireworks at may music na hindi ko halos maintindihan. May kasama ako. Babae.

Babae??

Tapos may singsing. Nagpropose ako.

Napabalilwas ako ng gising sa kama na pawis na pawis. Ang weird.

Agad akong bumangon at kumuha ng puting shirt mula sa closet ko at itim na pambahay na shorts tsaka bumaba.

Nasa hagdan pa lang ako pero amoy na amoy ko na yung niluluto ni K sa kusina. Naexcite ako kaagad. Mabilis akong bumaba ng hagdan at patakbong pumasok sa kusina. Nakatalikod si K at nakaharap sa stove.

"Ang bango naman!"

Masayang sabi ko bago ako yumakap sakaniya mula sa likod para masilip yung niluluto niya. Ipinatong ko yung baba ko sa balikat niya.

"Uy! Ano ka ba. Mamaya biglang bumaba yung tatlo."

Saway niya. Napapout naman ako ng lips pero hindi sumagot agad. Humalik ako sa balikat niya na nagpahinto sakaniya sa ginagawa niya. Humarap siya saakin at mabilis na humalik sa mga labi ko.

Saglit lang yun dahil baka masunog yung niluluto niya.

"Dun ka na nga muna. Nadidestruct ako sayo eh."

Nakangiting sabi niya bago bumaling ulit sa kalderetang niluluto niya. Sumimangot lang ako bago umupo sa isang bar stool sa harap ng kitchen island. Pinanood ko na lang siyang magluto.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon