Not A Bad Thing

423 22 3
                                    

Jaki's POV

Shocked. Understament.

Naiwan akong magisa sa DR matapos akong halikan ni Vice. I stood there in shock while touching my lips na kanina lang ay inangkin niya. Napahawak ako sa dibdib ko na hindi din matahimik sa kaba.

Takang taka ako, the intensity of that kiss, almost made me feel na may feelings din siya para saakin.

"Jaki, he's a married guy and his wife is pregnant. Ate Karylle is a good person."

Sabi ko sa sarili habang sinusubukang icompose and sarili ko. Inayos ko ng kaunti yung dress na suot ko bago lumabas ng DR at naglakad papunta sa studio.

After ng showtime ay biglang nagkagulo sa Dr ng mga host. Nagtinginan kami ni Madc kaya napalapit nalang din kami.

"Oh my God. Asan si Vice?? Oh my God!!"

Hysterical na sabi ni Ate Anne habang umiiyak. Ganun din ang ibang host. Kinabahan ako. Ano kayang nangyari kay Vice?

"We have to go. Sa St. Lukes daw dinala. Tara na. He needs us."

Sabi ni Kuya Vhong na nagmamadaling kinuha yung mga gamit niya at nauna nang lumabas ng DR. Napatabi nalang kami nung halos sabay sabay silang nagsilabas ng DR.

Pumasok na lang kami sa DR ng mga dancers at inabutan yung hasgtags na mababa din ang energy.

"Uy. Anong nangyari?"

Takang tanong ni Madc kay Ronnie na halos mangiyak ngiyak na din. Agad akong umupo sa sofa dahil biglang nanlambot yung tuhod ko, may nangyari ba kay Vice. Napailing ako.

"Si Ate K, nadisgrasya.... Wa-wala na siya."

Uutal utal na sabi ni Ronnie bago tuluyan nang naluha. Natulala ako.

Shit! Gusto ko si Vice pero bakit kailangang ganito?

Sabi ko sa sarili ko. I felt so guilty and confused and sad at the same time. Napatingin saakin si Madc bago siya lumapit and yumakap.

"Girl, relax lang ha. Alam ko tumatakbo jan sa tuktok mo. Wag kang maguilty jan, wala kang kasalanan."

Bulong niya para hindi marinig ng iba. Tumango ako pasimpleng nagpunas ng mga luha. Pumasok sa isip ko si Vice.

If I feel like shit right now, alam kong mas grabe yung nararamdaman niya. Sana okay lang siya. Well, alam kong hindi pero sana... Magging okay siya.

Bulong ko sa sarili ko.

------------------

Vice's POV

Nakatulala ako habang tuloy tuloy lang luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital na pinagdalhan sa walang buhay ko ng asawa at kung paanong naibigay saakin ng kung sino yung nga gamit niya, including yung wedding band namin na suot niya. Hawak ko yung ng mahigpit sa kamay ko.

"I'm sorry.... I'm so sorry..."

Mahina kong sabi habang patuloy sa pag-iyak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Sa mga oras na ito siya lang ang nasa isip ko. Kung kelan wala na siya. Kung kelan hindi ko na siya ulit makikitang nakangiti, kung kelan hindi ko na mararamdaman yung warmth niya. Siya lang ang nasa puso at isip ko ngayon, kung kelan wala na siya.

Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako at nakaupo na pala ako sa sahig habang nakasandal yung katawan ko sa malamig na pader ng ospital habang yakap yakap ko yung damit niya na puno pa ng dugo.

"Kurba... Karylle ko.. Please.... Bumalik ka na please.... PLEAASSSEEEE!"

Hysterical na sigaw ko pero wala na. Wala na siya. Naramdaman kong may yumakap saakin ng marahan. Hindi ko pinansin dahil alam kong hindi si Karylle yun. Hindi yun yung mga yakap na kailangan ko. Nadagdagan ng nadagdagan yung mga nakayakap saakin kasabay ng sabay sabay na hikbi namin.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon